A Stranger

242 4 1
                                    

"HAPPY UNITED NATIONS DAY!" sigaw ng mga tao dito sa loob ng High School Division.

Nagtaasan na ng mga flags yung mga classrooms. Yung mga teachers nag-selfie na. At yung iba,nag-ingay lang para masaya.

Pero kahit gaano pa man kaingay yung paligid, isa lang yung pina-pakinggan ko; Yung tawa nya.

Kahit gaano pa man kagulo ang mga tao, isa lang ang iniintindi ko; yung mga galaw nya.

Kahit gaano pa man kaliwanag dahil sa mga flash ng mga camera at DSLR, isa lang naman talaga ang tinitignan ko; ang gwapo nyang mukha na kulang nalang,eh maging headturner sya ng school kung nagkataong vain sya.

Pero hindi.

Iba sya sa lahat. Iba sya sa usual na pa-poging lalake na laging may hawak na camera at nagse-selfie. Isa syang seryosong tao na alam din kung paano maging masaya.

Iba sya sa karaniwang lalake na ayos lang mag-agaw buhay ang grade at mag-fieldtrip papuntang detention room para lang maisalba ang buhok nilang mas mahaba pa kay Tarzan.

Sya yung tipo ng lalake na malinis kung manamit, maayos kung mag-style ng buhok, at totoo ang ngiti na ibinibigay sa lahat.

Iba sya sa mga babaerong lalake sa tabi-tabi na ayos lang manakit ng babae masabi lang na magaling sya mag-paiyak at mang-iwan.

Manliligaw sya ng maayos, seryoso sya. Dumating pa sa point na tumigil sya sa isang bagay na gusto nyang gawin makita lang ng nililigawan nya na maayos sya.

Yun nga lang, hanggang tingin nalang ako. Dahil isa lang naman akong stranger para sa kanya, na kahit kailan,hindi nya makikita.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 20, 2014 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

A StrangerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora