Chapter 34

9.4K 204 9
                                    

RizaCapangyarihan this chapter is dedicated for you! :))

******
" CHAPTER 34 "

DANE'S POINT OF VIEW

Tambak-tambak na problema ang kinakaharap ko ngayon, at hindi ko alam kung ano dapat na unahin. Ilang araw na akong stress sa mga nangyayari. Una, galit pa rin sakin ang pamilya ko, sinisisi nila sakin ang isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa. Tapos yung family business namin, unti-unti ng lumulubog dahil napabayaan ni mommy simula ng mawala si daddy. Ako ang panganay, kaya ako ang inaasahan nila, lalo silang magagalit sakin kapag hindi ko naayos ang lahat ng problema. Nakakainis!

" Sir, may lalaki pong naghahanap sa inyo. Gusto daw po kayong makausap." Nahinto ako sa pagtytype sa laptop ko ng sabihin yon ng secretary ko. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon dito sa opisina ko.

" Sino daw? " Tanong ko kay Miggy, mag-dadalawang taon ko na rin siyang secretary naging schoolmate ko siya noong highschool. Para ko na rin siyang kapatid, maasahan at mapagkakatiwalaan yang si Miggy.

" Hindi po sinabi eh, pero mukhang gusto ka talagang makausap sir. " Sagot ni Miggy sakin.

Sino naman kaya yon?

" Sige, papasukin mo." At ng sabihin ko yon kay Miggy, lumabas na rin siya agad para puntahan yung lalaking naghahanap daw sakin at para papasukin dito sa loob ng opisina ko.

Pinag-patuloy ko pa rin ang pag-tytype ng document sa laptop ko, at ilang minuto lang narinig ko na ang pag-bukas ng pinto ng opisina ko, at ang pag-sara nito tanda na may kung sino na pumasok.

Hininto ko ang ginagawa ko, at inangat ko ang ulo ko, para tingnan kung sino ba yung pumasok. Then, I saw someone na kasalukuyang ng naglalakad papalapit sa harapan ng desk ko. Para akong napako sa kina-uupuan ko. Hindi ko siya maiwasang tingnan mabuti, its been a long time since the last time I saw him! I never expected, na siya pala yung gustong kumausap sakin ngayon! Ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko na mahanap ang dating siya, sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.

He smirked at me ng makalapit siya sa harapan ng kina-uupuan ko. Napa-awang ang bibig ko, hindi ako makapag-salita! I thought hindi ko na siya makikita ulit!

He half smiled at me, then he laughed.

" Miss me? " Tanong niya sakin na, hindi ako makapag-salita, ang hirap paniwalaan na siya talaga ang kaharap ko ngayon! Ibang-iba na siya!

" Ivan. "

-

ALIYAH'S POINT OF VIEW

" What?! " Pag-uulit ko ng tanong kay Tryone na binalewa lang niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya, o nagbibiro lang siya.

Ang sabi niya kasi, papunta na daw ngayon dito sa bahay ang mga kapatid namin na sila Troy, at kuya Travis. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi ni Tryone, mukha namang hindi eh, pero mukhang totoo din! Aish!

" Mommy, what's your problem? Did Daddy Tryone annoyed you again? " Tanong ni Shacey ng makalapit siya sakin.

" No baby, may pinag-uusapan lang kami ng Daddy Tryone mo." Hindi na ulit pa nagsalita ang anak ko, tumango lamang ito sakin at nagpatuloy na ulit sa pag-lalaro.

I was about to talk again, ng mag-ring ang phone ni Tryone. Kinuha niya ito, at sinagot ang kung sino man na tumawag.

" Yeah, okay. Wait there." Yoon lamang ang sinabi ni Tryone sa kausap niya sa phone niya, at pinatay na niya ang tawag.

Aliyah (ang batang ina)Där berättelser lever. Upptäck nu