"Puntahan niyo na si Wena bilis! I'll distract him!" Giit ni Harper na ngayo'y mas tumindi pa ang pamumutla at animo'y mawawalan na ng malay, "H-he's my fault, my fear, so I'm facing him." Dagdag pa niya.


Biglang hinigit ni Axel ang kamay ko at napatakbo kaya wala akong magawa kundi sumunod. Pero habang tumatakbo kami palayo kay Harper, hindi ko mapigilang lumingon sa kanya, hindi ko mapigilang matakot para sa kanya kasi hindi naman siya masamang tao, naging masama lamang siya dahil sa dami ng pinagdaanan niya.


Nanatili si Harper sa kanyang kinatatayuan habang nagsisimulang humakbang si Mang Boris papalapit sa kanya. Imbes na tumakbo, taas-noo lamang si Harper na animo'y tinatanggap na ang magiging kapalaran niya.


May bigat man sa kalooban, pilit ko itong winakli. Kasama si Axel, pumasok kami sa isang gusali na siyang pinanggalingan ng mga sigaw ni Wena.


Taliwas sa inaasahan, hindi kadiliman ang bumungad sa pagpasok namin sa pinto. Napakaliwanag ng paligid na para ba itong isang karaniwang lobby ng isang building, ang kaibahan lang ay wala itong katao-tao ngayon.


"Doon!" Bulalas ni Axel at dali-dali kaming nagtungo sa isang elevator. Ngunit kapwa kami naguluhan ni Axel nang mapagtantong unti-unting bumababa ang elevator kahit na wala naman kaming pinipindot. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumukas ang elevator sa harapan namin at laking gulat namin nang makita sa loob si Wena.


"Natutuwa akong makita kayo ulit." Gaya ng dati, andiyan parin ang matamis na ngiti sa inosente niyang mukha ngunit sa pagkakataong ito'y purong kulay itim na ang kanyang mga mata.


Sa puntong 'yon mistulang gumuho ang mundo ni Axel. Nakita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata niya habang nakapako ang tingin sa kinahinatnan ng kanyang kapatid. Naiwang nakaawang ang kanyang bibig. Kapwa kami napako sa kinatatayuan namin.


"Nakakapanibago 'tong katawang pinasukan ko. Hindi ako sanay sa kasuotan niya pero inaamin ko, napakakomportable sa hita." Natatawang pa nitong sambit sabay turo sa dress na suot at sa mga paang malayo ang pagitan.


"P-parang awa mo na, pakawalan mo ang kapatid ko!" Pagmamakaawa agad ni Axel.


"Madali akong kausap... Pero bago ang lahat, panoorin muna natin 'to." Sambit ni Wena at sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay, muli naming natagpuan ang mga sarili namin sa gitna ng madilim na kalsada.


"Harper!!!" Napahiyaw ako nang makita si Mang Boris na kasalukuyang hawak ang ulo ni Harper at marahas itong hinahampas sa pader. Lupaypay na ang buong katawan ni Harper at ibang-iba na ang hugis ng kanyang duguang ulo, nagkalat ang napakaraming dugo sa kinatatayuan nila. Hindi nagtagal, parang lumalabas na ang kanyang bungo, para bang nababasag na ito at may nakikita na kaming maliit na piraso ng laman na nalalaglag sa sahig—ang utak niya.


Sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin nila Harper, sa kabila ng palitan ng masasakit na salita, sa kabila ng maya't-maya naming pag-aaway, labis akong nasasaktan sa nakikita ko.


"Cielo 'wag mo nang tingnan." Giit ni Axel at pinaharap ako sa kanya. Niyakap niya ako nang sa gayon ay 'wag ko nang makikita ang mga nangyayari.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now