Blood 27 - unedited

Start from the beginning
                                    

Nakarating sila sa garden kung saan ang mang si Rico mismo ang nagpalago ng mga bulaklak na naroon. Aminado naman siyang isa iyon sa paborito niyang parte ng university dahil nasaksihan niya kung paano lumago at gumanda ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

"Si Dad po?" She asked her to start a conversation.

"He's with the Dean."

Then they were met by silence.

Napatingin siya sa langit. They used to be close before, the bond they shared was too strong but now...she didn't know. Para bang ang layo na ng ina sa kanya, sa kanila ng ama. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito.

"That Elisse, napapansin kong mas malapit kayo sa isa't isa," She said. Napatingin siya rito, pero ang mga mata nito'y nakatuon lang sa mga bulaklak.

"She's my girlfriend."

Napailing ito sa naging sagot niya. She looked disappointed or something. Why? What's the problem?

"Lumayo ka na sa kanya."

Natigilan siya. "Why?"

"To protect you."

Pagkasabi ng mga katagang narinig ay bigla na lang itong umalis, leaving her dumbfounded and confused.

--

"Mama, I missed you." Elisse hugged her tightly and buried her face on her neck. Nakahinga siya nang maluwag nang maamoy niyang muli ang pamilyar na pabango ng ina na matagal niya na ring hinahanap-hanap. She guessed that she really did miss her. Like a lot.

"I missed you, too, Elisse." Tumingin ito sa kanya at hinalikan siya sa noo, she caressed both of her cheeks and smiled. "And belated happy birthday."

"Thank you po," Pagkasabi niya no'n ay muling napakunot ang kanyang ang noo. "Pero bakit hindi po kayo nagpunta sa debut ko?"

"May kinailangan akong asikasuhin ng araw na 'yon, sorry, anak..." malungkot na sagot nito.

Umiling siya at ngumiti, ayaw niyang nalulungkot ito. "Okay lang po. Ang mahalaga magkasama tayo."

Yumakap ulit ito sa kanya. Pakiramdam niya ay sobrang tagal niyang hindi nakita at nakasama ang ina. Iba talaga kapag magulang ang nasa tabi niya, she felt at ease. Nang maghiwalay ay napatitig ito sa mata niya. Ngumiti ito.

"Naging ganap na bampira ka na."

"Hm-mm."

Kung dati ay naguguluhan pa siya kung bakit siya nito hinayaan na mapunta rito, ngayon ay naiintindihan niya na ang lahat. Alam niya na ngayon na hindi lang iyon para sa kanya kung hindi para sa lahat. Nandito siya kasi iyon ang nakatadhana, ipinanganak siya para maging ganito. She was born to be strong and to protect everyone, especially those she loved dearly. Alam niya na kung sakaling hindi siya ang nasa propesiya, gagawa pa rin siya ng paraan para makatulong.

"Hindi ka ba natatakot?"

Nagbaba siya ng tingin. "Natakot po noong una. Pero nawala 'yon dahil na rin sa mga kaibigan ko." Tumingin siya sa Mama niya na may ngiti sa labi. "Dahil sa kanila, natuto po akong maging matapang."

Siguro, nasa loob pa rin niya ang takot. Hindi na 'yon mawawala. Ang mahalaga lang naman ay huwag siyang magpapadala rito, kasi sa huli, siya pa rin ang makakagawa ng paraan na maging matapang.

"Maybe I should thank them."

"Ipapakilala ko po kayo mamaya."

Umiling ang kausap ng malungkot. Para namang siyang pinagsakuban ng langit at lupa sa nakita. Kung gano'n, hindi pala ito magtatagal.

"May kailangan pa 'kong asikasuhing importanteng bagay." Hinaplos nito ang balikat niya. "Pasensiya na, Elisse."

"Kailan po kayo babalik?" Pinigilan niyang huwag maiyak para hindi na ito mag-alala pa.

"Soon, anak. Promise. I love you." She kissed her temple and smiled.

"I love you, too."

Her mother hugged her one last time bago tumayo at naglakad paalis. Pinanood niya lang itong mawala sa paningin. She took a deep breath at nagpakawala ng isang ngiti. Think positive, Elisse! Magiging ayos din ang lahat.

Tumayo na siya at akmang maglalakad na nang makita niya si Adrienne na naglalakad palapit sa kanya. Tiningnan niya itong maigi, parang may iba sa dalaga. "Adrienne?"

"Elisse," she muttered under her breath. Niyakap siya nito nang tuluyan nang makalapit. She hugged her back, humalik siya sa balikat nito bago bumitaw.

"Ayos ka lang?"

Tumango lang ito at ngumiti. Walang imik na naglakad sila papunta sa dorm room nila. Magkahawak lang ang kanilang mga kamay. She's just staring at Adrienne.

Pagkarating ay hinila siya nito sa kama. Hinila siya nito at humiga siya sa ibabaw ng kasintahan. Nakatingin lang siya rito at gano'n din ito sa kanya.

"Anong pinag-usapan ninyo ni Miss Rei?" Tanong niya na ang pinatutungkulan ay ang ina nito.

She played with her hair and sigh. "Nangangamusta lang. Hindi naman kasi kami laging nagkikita even though nasa isang lugar lang kami."

"Hm," Sumubsob siya sa leeg nito at napapikit. "Sayang, hindi mo nakilala si Mama."

She chuckled a little, her hands settled on her lower back, caressing it. "I'm certain that we'll meet soon."

Tumingin siya rito at ginawaran ito ng halik sa labi. They both closed their eyes and savoured the moment.

"I love you."

"I love you, too."

_____

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Where stories live. Discover now