Pagkabukas na pagkabukas ng elevator pagkarating sa ground floor, agad akong lumabas at mabilis na naglakad upang hindi ko na marinig ang  pakikipag-usap niya sa kung sinumang babae. Pumasok ako agad sa 7-eleven at nagpunta dun sa lalagyan ng chocolates at kumuha din ako ng ice cream tsaka binayaran at pumwesto ako dun sa upuan na nakatapat sa labas.

Sabi nga nila Maddy, pag masama ang loob mo…eto ice cream at chocolate kainin mo! pakasasa ka hanggang sa magsawa ka na. Kaya sa tuwing masama ang loob ko ganito ang ginagawa ko. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng isang kaibigan…

Naka-ilang ring din ito bago tuluyang may sumagot.

“he—“

“HELLO! Ikaw ba ang lalaking umaaligid-ligid sa future wife ko?! pwes sorry na lang! dahil hindi ko siya papakawalan at wala kang aasahan! Naiinitindihan mo?!” nagulat ako sa boses na narinig ko sa kabilang linya at sa mga sinabi niya.

Anong ginagawa niya sa bahay ni Bea sa ganitong oras? Pasado alas-onse na ng gabi huwag mong sabihin na nag-li-live-in na silang dalawa ni Bea?

“ahm—“

“Ano?! Hindi ka makasagot ngayon?—hoy! sinong kausap mo sa phone ko?!” narinig ko ang boses ni Bea sa kabilang linya.

“isa sa mga lapastangang nagtatakang sulutin ka sa akin kaya eto binabalaan ko na haha!—ANO?! Akin na nga yan!” napangiti na lang ako habang kagat-kagat yung chocolate ko. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagbabago. Sabagay, ako lang naman ang nagbago eh…ako lang…

“teka ano palang pangalan mo?! ng maipa-blotter na kita sa mga pulis! Bilis! Magsalita ka!—ASUNGOt!”

“Vin…” nagpipigil tawa kong sabi sa kanya.

“huh? teka! Bakla ka ba?! KITA MO NA BASHY! Pati bakla nagkakagusto sa’yo!—ANO!? HOY! ANONG BAKLA KA DYAN!” mukhang ayaw ibigay ni Vin ang phone kay Bea ah…

“hahaha hindi ka pa rin nagbabago Vin…”natatawang saad ko  at tila nawalan naman ako ng kausap sa kabilang linya. I guess, hindi niya akalain na ako ang kausap niya ngayon napinagkamalan lang niya kaninang mang-aagaw.

“le-le-leanne?!”

“yes it’s me”

“AKIN NA NGA!-helo?Leanne?! bakit ka napatawag ng ganitong oras?”

“bakit? May naistorbo ba ako Bea?” nakangising sabi ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

“anong istorbo pinagsasabi mo dyan?! Wala kang na-i-istorbo no!”

“haha then why Vin is still there samantalang gabing-gabi na…”

“ah yun ba? HOY! asungot! Wala ka ba talagang balak umuwi?! Tingnan mo na? kung ano-ano iniisip ni Leanne dahil nandito ka pa!”

“…tulog na ako!”

“anong tulog ka dyan?! May tulog bang sumasagot pa?! alis ka na!!”

“oo! Si Vin Alonzo lang yun ang iyong future husband!”

“ARGh! Bahala ka nga dyan!” may narinig naman akong pagbasak ng pinto sa kabilang linya. Tsk!

“helo? Leanne nandyan ka pa ba?”

“…ah oo nandito pa ako…nakakatuwa kasing pakinggan ang usapan niyo ni Vin..”

“anong nakakatuwa don eh samantalang puro sakit na lang sa ulo ang binibigay sa akin ng asungot na yon!”

“hahaha pero kahit ganon mahal mo pa rin di ba?”

“syempre! Siya lang ang kayang mambwisit sa akin ng ganito kaya nga mahal na mahal ko eh…” halata sa tinig niya ang sobrang saya.

E.N:DWhere stories live. Discover now