XVI : The Closure

Start from the beginning
                                    


"Kahit na anong mangyari, hindi siya pababayaan ng mga taong nakapaligid sa kanya." Paniniguro ni Raze sa akin. Gaya ng lagi niyang ginagawa noon sa tuwing kinakabahan ako dahil sa lolo ko, ngumiti si Raze sa akin at pabirong ginulo ang buhok ko.


"Hindi ka parin nagbabago." Sabi ko na lamang.


"Yang boses mo baguhin mo na, dinaig mo pa si Dana na nilublob ni Shem sa sandamakmak na yelo dahil sa sobrang lamig ng mukha at pananalita mo." Walang emosyong sambit ni Raze na para bang ginagaya ang pananalita ko.


"I'm trying my best to be the old Cielo you all knew." Sa abot ng makakaya, pinilit ko ang sarili kong ngumiti gaya ng dati at pinilit ko ring gawing masigla ang boses ko.


"Para kang asong ulol, 'wag nalang." Nakangiwing sambit ni Raze kaya hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin.


Napabuntong-hininga na lamang ako, "Look I'm trying my best to get back to the way I used to pero mahirap rin naman kasing kontrolin lagi ang pananalita ko. Ano bang magagawa ko? Ito na ang normal para sakin. Ganito na ang takbo ng tornilyo sa utak ko."


Tiningnan ako ni Raze na para bang awang-awa siya sakin, tinging lagi niyang binibigay sa akin mula pagkabata. Raze knew me ever since we were kids dahil sa ama niya pero noong highschool lang kami tuluyang naging magkaibigan.


"Napakahirap siguro ng nakaraang tatlong taon." Sambit ni Raze at sa pagkakataong 'yon, para akong nanlumo. Nakakapanlumo na maalala ang mga panahong nag-iisa ako sa isang maliit na silid, tinuturing na siraulo at nangangailangan ng medical na atensyon.


"The worst part was being away from all of you, without getting the chance to say goodbye. Nang gabing pinatay ni Lolo ang Mama ko at ginilitan niya ang leeg ko, para narin akong namatay kasi simula nun nawala ang lahat sakin, pati kayo." Pag-amin ko. Sa loob ng napakatagal na panahon, sa wakas may napagsabihan narin ako tungkol rito sa bagaheng napakatagal ko nang bitbit.


"Sa sobrang biglaan ng pagkawala mo, ni hindi tayo nakapag-hiwalay ng maayos. Inaamin ko noong una, sumama ang loob ko kasi nawala ka nalang bigla at alam ko rin magmula pa noon na hindi naman talaga ako ang laman ng puso mo." Sambit ni Raze na nakuha pang tumingin sa akin at ngumiti. Inaamin ko, bumigat pa lalo ang kalooban ko dahil sa ngiti niyang iyon at ito ay dahil alam kong nasaktan ko siya.


"I kept on breaking your heart but you still kept saving my life." Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan pang manlumo at mainis sa sarili ko. I never got to love him the way he loved me, alam niya pala iyon pero sa kabila ng lahat paulit-ulit niya parin akong pinrotektahan at niligtas.


"Bago naging tayo, magkaibigan na tayo. Walang nagbago, walang magbabago... kahit pa ngayong wala na tayo." Giit ni Raze at pabiro na namang ginulo na naman ang buhok ko gaya ng dati. So this is it then... our real closure.


"You're a really great guy Raze. You'll eventually find the right girl, someone you really deserve, and someone who really deserves you." Paniniguro ko at hindi ko na napigilan pang mapayakap sa kanya. Raze and I were friends and this will never change.


Narinig kong tumawa si Raze at yumakap rin pabalik sakin, "Pero oras na saktan ka ni Axel, humanda siya sakin, magiging magkamukha sila ni Churchill."

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now