LD2: I Officially Dating

56.4K 748 42
                                    


Ngayon ang balik ni Katy galing sa America kung san sya tumira kasama ang pamilya nya matapos malaman ng mga magulang nya kung anong nangyari sa kanya. Nasabi ni Katy na hindi sila nagkatuluyan ng tatay ng anak nya. Masyadong limited ang binibigay nya sa'kin information. Sasabihin na lang daw nya lahat sa'kin pagbalik nya.

Umalis kami ni Cliff sa dalampasigan para puntahan si Katy.

"Excited na kong makita ang bestfriend ko!" binasag ko yung katahimikan between me and Cliff. Ngumiti lang sya. Ayos na yun kesa naman wala syang reaksyon. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.

From: Katy.new

Bez, diretso ka na lang sa Romid Falo Hotel. May imi-meet kasi kong client. Pero sandali lang yun. Just text me kapag nandito ka na. Miss you! See ya later. Love lots!

"Sinong nagtext?" napansin ata ni Cliff na nakatitig lang ako sa cellphone ko.

"Si Katy. Sa Romid Falo Hotel na daw tayo dumiretso. Nandun na daw sya. Alam mo ba kung saan yun?" Hindi ko alam na may ganung hotel pala. Sabagay, wala naman akong alam pagdating sa mga hotel-hotel.

"Yeah. Alam ko yun. Bago lang yung hotel na yun pero balita ko gumagawa na sya ng pangalan not only here. Wala syang kakompetensya kaya nga balak kong magtayo ng hotel malapit sa Romid." Kalmado lang si Cliff. May problema ba sya?

Kung hindi nyo natatanong, simula nung nawala si Tonsi mas lalo kong nakilala si Cliff. Makulit din pala sya. Palagi nya kong pinapatawa kapag nalulungkot ako. Sa tuwing naaalala ko yung mga pangungulit ni Cliff sa'kin napapangiti na naman ako.

Napatingin ako sa kanya habang nag-iisip. Ang gwapo nya talaga. Ay hindi, mas gwapo na sya ngayon. Mas lalong nadevelop yung katawan nya kaya kahit nakatuxedo sya eh kitang-kita yung kasexyhan nya. Sige, ako na ang manyak. Si Tonsi kasi hinawahan ako ng pagiging manyak.

Naalala ko na naman si Tonsi. Siguro dapat hindi ko na sya iniisip ngayon lalo na't si Cliff na yung nandito. Napangiti na naman ako. Nababaliw na ata ako ng hindi ko alam.

Sige, aaminin ko na. Dati hindi ko alam kung nagugustuhan ko na ba si Cliff o hinahanap ko lang talaga si Tonsi. Syempre ayoko namang gawin syang panakip butas. Kapag nga makikipagdate pa sya sa ibang babae naku nagpapaalam pa sya sa'kin. Well okay lang naman talaga sa'kin pero kapag nakikita ko sya na nagpapatawa ng ibang babae parang kinukurot yung puso ko. Akala ko naiinggit lang ako sa mga babaeng yun. Pero sa tuwing makikipagdate sya ulit ganun pa din yung nararamdaman ko. Kapag nandyan si Cliff ang saya ko pero kapag wala naman sya naiinip ako. Parang ang boring ng paligid.

Sa totoo lang bigla-bigla na lang syang sumusulpot kung nasaan ako. Yung tipong aalis sya ng company at sasabayan akong maglunch sa field sa school tapos babalik sya sa trabaho at susunduin ako pagkatapos  ng klase ko. Minsan nga kapag nagrereview ako para sa exam nagigising na lang ako na may kumot na ako tapos yung iba kong homeworks nasagutan na. Alam mo yung pakiramdam na binibigyan nya ako ng oras kahit sya mismo walang oras para sa sarili nya.

Tuwing may international meeting yan oras-oras tumatawag. Nagku-kwento ng kung anu-ano. Kung paano daw nagpapansin yung mga babae sa kanya pero hindi nya pinansin. At pagbalik na pagbalik nya dito ako agad ang pinupuntahan nya kahit wala pa syang tulog. Dati hindi ko alam kung bakit nya yun ginagawa, pero ngayon – ngayon nararamdaman ko na kung bakit.

Sa dami ng pinagdaanan namin – ilang beses akong umiyak pero nandyan sya para makinig. Hindi ko alam na nasasaktan din sya. Ang tagal nyang naghintay. Ang tagal nyang nagsacrifce. Ang tagal nyang nag-effort. Kung mapapasalamatan ko lang isa-isa yung mga nakadate nya ginawa ko na kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman na nagseselos na pala ako. Hindi ko marerealize na may nararamdaman na pala ako sa lalaking katabi ko ngayon.

Love Disaster 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon