Nauna na siyang naglakad. Samantalang ang dalawang ay di parin tumitigil at ngayon ay naghihilahan naman. Hinihila ng babae ang braso ng kapatid para pigilan.

"Ano ba Joey! Bitawan mo nga ako!"

"No! Mapapahamak ka sa ginagawa mo eh!"

Ayaw parin ito bitawan ng kapatid hanggang makarating ng starting line.

Dumiretso na din si Speedo sa kotse at napapailing na lang.

"Matagal ko na tong ginagawa, ngayon kapa nag alala!"

"But this is illegal! Baka makulong ka! Think about daddy's reputation!" humarang ang babae sa pinto ng kotseng gagamitin ng kapatid.

"Get off! Don't mind it! Protektado tayo ng Congressman. So please leave ok?" pilit pinapalis ng lalaki ang kapatid pero ayaw nito magpapigil.

"No!" nabigla na lang ang lalaki nang buksan nang kapatid ang kotse at pumasok sa loob saka inilock ang pinto.

"Joey! What are you doing! Buksan mo ang pinto!"

Binuksan ng babae ang windshield sa kanan malapit sa kotse ni Speedo saka siya sinigawan. "Hoy! Yabang! Tayo ang magtuos!" sigaw nito kay Speedo na ikinapanting ng kanyang tenga dahil bukod sa tinawag siyang 'Hoy' may kadugtong pang 'Yabang'.

Nakakarami na ang tomboy na to hah! Parehas lang sila ng kapatid niyang ang kakapal ng mukha!

"Ikaw? Sigurado ka?" takang tanong niya.

"Wag mo akong maliitin yabang!" sagot nito saka binuksan din ang windshield malapit sa kuya nito "Kuya, kung ayaw mo makinig sakin. I will do the race" agad ding isinara ang windshield.

Bago tuluyang isara nito ang windshield ay may pahabol si Speedo.

"Hoy! Babae siguraduhin mo lang na may pambayad ka!"

"Meron noh!" sagot naman nito saka siya inismiran.

"Joey! Lumabas ka dyan!" kinakalampag na ng kuya niya ang windshield ng sasakyan.

Napailing na lang siya. Sana naglaro na lang siya ng Need for Speed sa playstation kung ganitong laro lang din naman ang lalabanan niya.

Senenyasan niya yung head nila na si Dexter para simulan na ang laban.

"Okay guest, settle down! Magsisimula na ang race in one minute.."

Nagsimula na ding nagpalitan ng pusta ang mga tao.

"Ano? No way!" pigil ng kuya ni Joey.

Inistart na niya ang engine ng kotse. Sumunod din si Joey. Nagtinginan pa sila. Hindi nila pinapansin ang kuya nitong nagwawala sa labas.

Kinindatan tuloy niya ito at natawa na lang siya ng irapan siya nito. Ibang klase.

Teka? Speedo bago yan ah? San mo nahugot ang ngiti mo?

Tsk. Sumeryoso tuloy yung mukha.

Pumunta na sa gitna si Dexter para simulan ang karera.

"The race starts in

3..

2..

"No way! Joey ano ba! Itigil mo to!" pigil parin ng kuya ni Joey tsaka pumwesto sa hood ng kotse.

"2.."

"Joey!" hindi parin siya pinapansin ng kapatid.

Gumilid din ito nang gumalaw na ang kotse ni Joey.

"1.."

Nagkatinginan ulit sila.

"Go!"

"Joey!" wala nang nagawa ang kapatid nito nang tuluyan nang pinaharurot ni Joey ang sasakyan.

*cut*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPEEDO (soon)Where stories live. Discover now