~~~1~~~
Tires. Check.
Brakes. Check.
Fuel. Check.
Opponent?
Asan na ba yun?!
Sa inip ay napadabog tuloy si Speedo sa manibela dahil sa sobrang kupad ng makakalaban niya ng duel sa karera. Halos 20 minutes na siyang nakaupo sa loob ng sasakyan niya ay di pa nagsisimula ang race.
Sumilip siya mula sa side mirror para tingnan kung ano inaatupag ng kanyang kalaban.
Naningkit ang mata niya nang makita mula sa dulo ay may kadisyunan itong babae na mukhang makikiboksing sa itsura nito. Nakasuot ito ng itim na cap na tagilid ang pagkakaayos. Naka spagetti na kulay dilaw pero ang pambaba, trousers na pang army type na maluwang pero kulay brown yung bang maraming malalaking bulsa sa gilid na pwede ng paglagyan ng notebook. Pambihira? Kalahating babae, kalahating lalaki?
Hinubad niya ang kanyang driving gloves at tinanggal ang pagkalalock ng seatbelt saka lumabas mula sa sasakyan at padabog na isinara ang pinto.
Paglabas niya ay rinig na rinig na niya agad ang boses ng babae. Sumandal muna siya sa kanyang sasakyan at pinagmasdan muna ang dalawa. Magsyota siguro. Tsk. Samantalang yung iba ay inaawat yung babae pero ayaw magpapigil. Sunod sunod pa rin ang tirada nito.
"Puro ka karera! Karera! Karera! Pati pag aaral mo napabayaan mo na kuya! Ano ba! Kelan mo ba to titigilan hah? Kapag naaksidente kana hah!" so kapatid pala niya to. Kung umasta parang nanay eh. Nakapameywangan pa at kala mo kung sinong dinuduro duro ang kuya.
"Please wag dito--andaming nakakakita eh--" awat ng kuya nito.
"Miss, ano ba, mamaya niyo na yan pag awayan na magkapatid, may laban pa eh--" singit ni Dexter, ang head ng kanilang grupo.
"Wala akong pakialam!--Mabuti nga eh! Para malaman ng mga tao din kung ano ang masamang naidudulot ng illegal niyong grupo!!"
Natawa na lang siya nang makitang walang nagawa si Dexter kundi magkamot sa ulo.
"Joey, last na nga to eh--pagbigyan mo na ako please--pambawi lang sa nawala kong pera!--" pilit parin ng kuya nito.
"Wow kuya! Panis na panis na yang 'last na nga to', last year pa yan eh! Style mo bulok! Pag hindi mo to titigilan, hindi ako magdadalawang isip na isumbong ka kay Daddy!--"
"Joey please--"
"Matagal pa ba yan?--" pagsisingit niya.
Naglakad siya ng pa ekis habang nakapamulsa. Nagpuntahan naman sa gilid yung ibang nakaharang sa daan.
Tiningnan siya ng babae. Tinaasan lang siya nito ng kilay saka inirapan at ibinalik ang tuon sa kuya nito.
