"Ano! Wag mong hintaying kaladkarin kita pauwi kuya!"

"Joey! Sumusobra kana hah--"

Nagpatuloy parin sa pagsasagutan ang magkapatid.

Lalong naningkit ang mata ni Speedo nang binalewala lang siya nito. Wala na ngang modo ang babaeng to, napakabastos pa.

"I think I need to go. I have other important matters to do than watching these non sense people--" tumalikod na siya at nagsimulang naglakad.

"Ano?--teka--hindi pwede--" habol ng lalaki at saka hinarangan siya sa kanyang daan.

"Grr. KUYA!!" sigaw ng kapatid nito mula sa likuran.

"What? Sa susunod nga ibartolina mo yang kapatid mo para hindi nanggugulo dito."

"Yeah. Next time. Bro. Kelan ko talaga ng pera eh hindi pwedeng hindi matuloy ang laban."

"I don't care. You think you can beat me man? Matuloy o hindi ang laban, you can't win--"

Napangisi na lang yung lalaki sa sinabi niya na bahagya naman niyang ikinainis.

"Ang yabang mo nga talaga no? Bago ka magsalita, kilalanin mo muna ako. I have won first place international many times. Eh ikaw? Pang local ka lang?" tinawanan siya nito ng nakakainsulto.

Sinubukan niyang icompose ang sarili at pinipigilang upakan ang taong nasa harap niya ngayon. "And so? Anong ginagawa ng first place dito? Ending up as a loser?.." turn naman niya ngayon ang ngumisi ng nakakaloko.

Kita niyang nag closed fist ang lalaki. Pinipigilan nito ang sarili sumabog sa inis at baka mauwi sa suntukan.

"Ba't di natin subukan, para magkaalaman na kung sino talaga ang talunan, diba?" malakas na kumpiyansang hamon nito.

"Sure. I'll show you one." nilapit niya ang kanyang mukha dito para asarin.

Ang lakas ng loob ng lalaking to hah. Hanggang local lang siya pero lahat ng nakalaban niya ay galing international na pumupunta dito sa Pilipinas. Gaya din nito mga first placer din mga nakalaban niya at sikat sa telebisyon. Sumasali lang sila sa organisasyon  na ito since mas malaki ang mapapalanunan nila dito kesa sa mga pagsali sa contest dahil nga sa illegal at tax free. Bukod dun ay kaya pang kontrolin ng organisasyon nila ang pulitiko at gobyerno kaya walang hassle kung kasuhan man sila ng tax evasion.

Naputol ang matalim nilang tinginan nang umeksena nanaman ang epal nitong kapatid.

Naglakad ito palapit sa kanila at sinimulang kuyugin ang kapatid. "Kuya!"

"Joey, ano ba? Nakaistorbo ka eh. Sa bahay na lang natin to pag usapan" sabi nito sa kapatid saka ibinalik ang tingin sa kanya "Tara.." senyas nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPEEDO (soon)Where stories live. Discover now