Prologue

21 5 2
                                        

July 6, 2016

"Jay! Happy 30th birthday!"

"Hi Jay! Happy birthday! I miss you so much!"

"Jay,dear. I wish you a happy 30th birthday."

"Jay! Happy born day! You're so old already!"

"Happy birthday my dear daughter. You are now a big lady and I am so proud of you."

"Hi Jay. Happy birthday! I have a surprise for you later. Hope you'll like it. I love you."

I can't believe it. Birthday ko na ngayon! August 27, 2033! Ang dami nang tao na bumabati sa akin.

Ano nanaman kaya ang sorpresa ni Skate sa akin? Excited na talaga ako.

Lumalakad ako ngayon pauwi sa bahay galing sa trabaho. Ang bilis kong maglakad.

Nandito na ako. Bubuksan ko sana ang gate ngunit naka-lock ito. Pakana ba nila 'to? Pinindot ko nalang ang doorbell pero sa halip na kakilala ko ang bubukas, isang lalaking nakangiti na nakasuot ng black ang bumulaga sa akin. Gusto kong tumakbo pero hindi ko kaya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero walang tao. Tiningnan ko siya. Tiningnan ko ang mata niya. At nagulat ako.

I woke up with a start. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ito. Nagulat ako sa nakita ko. July 6, 2016.

Eh diba.. huh?

Hindi ako makapaniwala kaya hinanap ko agad sa Google ang oras at araw ngayon. Same result. Bumangon ako at tiningnan ang kwarto ko. Nasaan ang aking laptop na may hologram? Ang nakikita ko ngayon ay ang aking laptop noon na Apple.

Bumaba ako ng hagdan at sinalubong agad si Mama.

"Mama. Anong date ngayon?"

"Tingnan mo cellphone mo."

"Pero mali ata ang date eh. 2016 pa. At tsaka Ma asan pala ang laptop kong Grey Blur?"

"Anak? Ano ba ang pinagsasabi mo? July 6, 2016 ngayon. Apple ang laptop mo."

Huh?

Kailangan kong makita si Skate.

Dali-dali akong pumunta sa school at pumunta sa classroom. Mabuti at kabisado ko pa rin ang mga daan dito kahit matagal na akong graduate.

Hinanap ng mata ko si Skate at nakita ko agad siya na may kasama. Lalapitan ko sana siya pero...

Kasama niya ang best friend ko?

Tinitigan ko muna sila at nagulat ako nang halikan ni Skate si Eimee.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako kay Skate. Sinampal ko siya.

"What the?! Anong problema mo?" Sigaw niya sa akin.

"Problema ko? Ikaw! Pinagtataksilan mo ba ako? At sa best friend ko pa?"

"Eimee kilala mo ba 'to?" Tanong niya kay Eimee.

"Hindi. Sino ka ba? Hindi ka namin kilala." Sagot ni Eimee.

"Excuse me? Anong hindi kilala eh best friend mo ako!"

"Nababaliw ka na ba? Tara na nga Bay," wika ni Skate kay Eimee.

"Mabuti pa nga, Max."

What the?!

May nakita akong estudyante na naglalakad kaya tinanong ko siya kung ano ang date ngayon.

"July 6, 2016. Wednesday."

May tumulong luha sa mata ko.

Was my whole life a lie? All of the moments I shared with them... all of those were just a part of a dream? A dreamy nightmare.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dreamy NightmareWhere stories live. Discover now