X I U M I N ~♥~ [Words Unheard, Words Unspoken]

60 5 2
                                    

Xiumin as Lorenzo

Irene as Ashley

---


2 years ago

"Ashley yung payong ko pakikuha sa bag ko umuulan nanaman kasi e."

Utos sa akin ng bestfriend kong si Elle. Paano excited nanaman siya kasi lalabas ang tropa.

Kinuha ko yung payong niya sa loob ng bag niya at ini-abot na ito sakanya.

"Heto na oh madam." -Binelatan naman niya ko, parang bata talaga.

Madalang lang kasi kami mag bonding na mag-t-tropa, salungat kasi ang schedule naming dahil magkakaiba kami ng section. Actually kami lang ni Elle ang nasa section A, karamihan ay nasa Section B at C na. Kaya naman pag free ang lahat, gora na. Anim na buwan na lang kasi, g-graduate na kami, magkakahiwa-hiwalay na rin kami.

"Nand'yan na sila! Mag ayos ka na Ash."

Excited naman ng babaeng 'to! Sa bagay, excited din naman ako.

"Uy trops! Musta na?" -Bati ni Emanuel sa amin, Eman for short.

"Ayos lang naman, kayo ba? Ang tagal niyo ah, muhang pinapahirapan kayo ni sir Ace"

Natawa naman sila sa sinabi ko, nang mapansin kong may isang lalake sa likod ni Kris na nakangiti lang. Kilala ko'to e, pero di kami masyado close.

"Hi Lorenzo!" -Bati ni Elle sakanya.

Nginitian naman niya si Elle at nakipag appir naman ito.

"Elle, Ash. Si Lorenzo pala, classmate namin 'to. Alam kong kilala niyo na siya. Gusto pala niya sumama sa tropa." -Sabi ni Aya sa amin.

Kung kalian anim na buwan na lang saka may sasaling bago, aba naman a nag recruit pa talaga sila Aya. Di bale, mukha namang mabait 'tong si Lorenzo.

"Welcome sa tropang spicy Lorenzo!" -Masiglang sabi ni Elle sakanya.

"Enzo na lang." -Sabi niya

"Oh, hi Enzo sana mag enjoy ka." -sabi ko sakanya, tinignan naman niya ko at nginitian.

"Tara na tara na! Lalakas na yung ulan." -Sigaw ni Rence.

Naglakad na kami palabras ng school pero di ko namalayan na sobrang dulas pala kaya natisod ako, at 'tong gaga kong bestfriend na si Elle tinawanan pa ko imbes na tulungan ako.

"Ayos ka lang ba Ash?"

Hinawakan ni Enzo yung kamay ko at tinulungan akong tumayo.

"S-salamat"

"Wala yun, ingat ka next time ah"

Nginitian ko lang siya,. Buti na lang si Elle at si Enzo lang nakakita, nauna na kasi maglakad yung iba. Nako puro pang aasar lang aabutin ko nun.

"Gaga ka! Bakit mo ko tinawanan? Nakakahiya kaya!" -Sinabunutan ko ng mahina si Elle

"Aray naman! Kasalanan ko bang tatanga tanga ka bes? Pero infairness bagay kayo ni Enzo ayieee"

Aba lokang 'to nang asar pa! Sarap talaga sabunutan ng babaeng 'to e!

Nang makalabas na kami ng school tumawag ng tricycle si Aya para maihatid kami kung saan man kami pupunta.

"Teka saan ba tayo pupunta?" -Tanong ni Kris.

Nagsitinginan ang tropa pero puro kibit balikat lang ang natanggap ni Kris na sagot.

"Naku guys!"

Nakakatawa nga naman, nagplano kami umalis pero wala naman kaming napag usapan na pupuntahan. Tropa nga naman talaga haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot stories [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon