Chapter 6.4: My First Time......^____^ (part 2)

6.2K 90 20
                                    

(AN: eto po yung continuation...)

<---------------PLEASE VOTE AND LIKE...Thank You...

  Picture po ni Antonette/ Antonio..------------------------------------------->

CHAPTER 6.4

(Mary's POV)

"Kain na tayo" yun lang ang tanging nasabi ko..Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon.I mean nararamdaman. Alam niyo yung feeling na nahihiya tapos parang kinikilig ka pa dahil sa ginagawa para sayo ng lalaking yun. Ang tinutukoy ko sa "lalaking yun" ay walang iba kung hindi si Calvin...AAMININ ko sa inyo ha...First time kong makaramdam ng kilig sa buong buhay ko.... Ay hindi pala First time.........SECOND TIME. Ang first time ay noon nung bata pa ako. Iniisip niyo na kebata-bata ko pa kinilig na ako no... ind naman yung talagang kilig..ala ewan basta ganun... may nakilala kasi akong batang lalaki noon, sobrang bait niya at gentleman din... Hindi ko maalala basta may ginawa o may sinabi siya na nakapagpaano sakin...pasensya na mahirap iexplain yung feeling ko nun... Pero pagkatapos noon hindi ko na siya nakita. Lumipat na kasi kami ng bahay pero sinabi naman daw nina Papa at mama na lilipat na kami pati daw yung address namin sinabi rin nila sa kanila. May binigay din saking kwintas ang batang yun para daw maalala ko siya. At tama nga siya hindi ko siya makalimutan kahit na hindi ko na gaanong maalala yung itsura niya pero naaalala ko pa yung mga katangian niya....Pero hindi narin ako aasa na magkikita pa kami kasi bilang na ang araw ko eh. Nang mga panahon na iyon buhay pa si Mama ko, isang magaling na pianista si Mama, siya rin ang nagtuturo noon sa ate ng batang nakilala ko kung pano magpiano syempre marunong din akong magpiano kaso tinigil ko na ang pagpapiano simula ng mawala si Mama. Teka kanina pa akong bata ng bata eh may pangalan naman siya eh...ang pangalan niya ay CEDRICK........

CEDRICK KIM ang pangalan ng batang yun sabi niya.... Baka may kilala kayong ganun ang pangalan sabihin niyo sakin ha... Pero ako ni hindi ko nga nasabi pangalan ko kasi noong sasabihin ko biglaa siyang tinawag ng parents niya aalis na daw sila eh pero syempre hindi ako pumayag na hindi niya malaman ang pangalan ko. Sinigaw ko na nga lang ang "MARY yun ang pangalan ko." Ang ewan ko talaga hindi ko naman nasabi yung surname ko. Hay Buhay...Pero at least nalaman ko naman ang pangalan niya di ba.. pero ang ikinagulat namin eh kinabukasan nakidnap pala si Cedrick pero nakita din naman siya at nahuli yung mga kidnapper... Isa rin yun sa reason kung bakit kami ng bahay kasi baka daw madamay kami. Pero ng mawala si Mama lumipat na ulit kami ng bahay at simula rin noon wala na kaming balita sa kanila pati rin sila hindi na kasi nila alam kung saan kami nakatira eh..kaya simula noon hindi na kami nagkita..

"MARY!!!!MARY!!!!" rinig kong tawag sakin ni Danica.

" Oh! Bakit?" tanong ko...

" OK ka lang kanina ka pa kasi walang imik diyan at saka bakit tumigil ka sa pagkain?" tanong niya.

"Ah OO ok lang ako" sabi ko tapos tumingin ako sa katabi ko at ABA tapos ng kumain ang isang 'to ang bilis ah..

She taught me the real meaning of LOVE (COMPLETED OLD Version) *not going to be edited anymore* Revised Version is She taught me..Version 2.0Where stories live. Discover now