Malandi... Six

1.1K 33 5
                                    

Pauna ko na pala, mga mahal kong readers. Medyo nagmature ng konti ang ibang scenes sa chap na ito at ako po'y sana inyong patawarin. Haha. Pero gaya ng sabi ko, safe itong basahin. Magtanong nalang kayo sa iba kung may hindi na-gets dahil hindi ako gagamit ng mga direct terms or meaning. O kaya, search nyo nalang din sa internet yung green pickup lines. Wehehe..

-=oOo=-

"Gelo!"

"Hey."

Pinuntahan ko si yummy-hot-guy tsaka umupo katabi ng inuupuan nya.

"Zup? Di ka ulit makatulog?"

"Oo, eh."

"Oh baka naman na-miss mo ako?"  ;)

Tumingin sya sa akin tsaka ngumiti.

"Pwede rin."

"Bat ganyan naman sagot mo? Uhmf. Mabuti pa, mag-order muna tayo."

"Umiinom ka?"

"Naman. Ako may ari nitong gigplace tapos di ako umiinom? Ano yun?"  -,-

Sumenyas ako sa isa sa mga nagse-serve. Hindi isa sa friendships ko or si Fae ang nag-assist sa amin dahil may kanya-kanya silang ginagawa.

"Matanong pala kita. Nag-aaral ka pa?"

Inumpisahan ko ang usapan habang hinihintay ang order namin.

"Tapos na. May work na ako."

"Eh saan ka nakatira? Dito rin?"

"Taga probinsya talaga ako kaya nagre-rent lang ako ng apartment na malapit sa work. Actually, malapit lang din dito."

"Ah owkie. Uhmm, mag-isa ka lang doon?"

"Oo."

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon