Malandi... One

2.9K 61 10
                                    

**Photo ni Josh sa side ;) 

----o0o----

Malandi...

Tawag sa akin yan ng karamihan, but oh! I might be wrong dahil lahat na ata alam na. Pero hindi ako yung klase na tinatago or tinatanggi. Pinangangalandakan ko pa dahil maganda ako. There's a saying na walang sinabi ang babaeng maganda sa babaeng malandi. Kaya paano nyan sa gaya ko na two in one? Edi wala silang laban! Hihihi.

Iba-iba ang tawag nila sa akin at ang halimbawa pa non ay flirt. Pero para sa akin ay hindi ako ganon. I'm just giving extra attention for an extra handsome person. What's so wrong about it right? Well, inggit lang sila dahil palibhasa, hindi sila maganda.

Ganon man, agree parin ako sa kasabihang walang perpektong tao dahil kahit na sa isang magandang gaya ko, kung minsan ay problemado. Kumbaga ay may disadvantage ang pagiging dyosa ng kagandahan. Madami kasi akong nagiging stalker na nakakakunsumi talaga.

Kagaya nalang ngayon na naglalakad ako sa mall. Kanina ko pa kasi napapansin ang isang lalaki na sunod ng sunod sa akin. Kung sanang gwapo sya, wala naman sa akin. Ang kaso kase ay hindi ko sya type. Uhmf!

Tinignan ko ang paligid at nag-iisip ng paraan hanggang sa makita ko ang isang gwapong ulam, I mean, lalaki. Syempre, wala akong panahing magdalawang isip pa kaya agad ko syan nilapitan at kinausap.

"Hi."  ;)

Tinignan nya ako at tsaka sya napangiti. Binalik nya sa lalagyanan ang hawak nyang damit.

"Hey. May... maitutulong ba ako, miss?"

"You can call me Hannie."

"Honey, that's sweet."

"Thanks. I'm just wondering if you would like to hang out with me?"

"Ha? Kasi... meron akong kas-"

Hindi nya naituloy ang gustong sabihin ng inayos ko ang aking nakalugay na buhok at nilagay sa isang side. Kita ko ang pagtitig nya sa maputi kong leeg.

"Ano yung sinasabi mo?"

"Ha? Ano... ako nga pala si Robby. Nice to meet you."

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Where stories live. Discover now