At base na rin sa expression ng mukha niya, parang may kung ano na pumipigil sa kanya para sagutin ang tanong ko. Parang may gumuhit na sakit sa mga mata niya. May nakita akong pait habang sinasabi niya yon.

At isa lang naman ang ibig sabihin nun. Na mahal niya pa rin ang ex niya. Kaya siya nasasaktan ngayon. 

Siguro kung akin ka lang, hindi ka masasaktan.

But let me remind you, myself. Kyle will never like you. Not someone like you. Kaya huwag ka ng mangarap. Huwag na huwag kang umasa.

I hate that I know it, but I have to.

"And I'll be a fool forever if I will not do anything to win you back."

That's one of her messages. And her name is Kate, base na rin sa username na gamit niya.

Of course, just what I thought. Nakikipagbalikan sa kanya si Kate. She wants him back, no matter what. HIndi ko na dapat ikagulat yon. Gaano kaya siya kaganda at kayaman? For sure, magkasing level lang sila. Parehong mayaman, parehong gwapo at maganda.

I sighed.

"Are you okay? May problema ba?" tanong niya. Oo nga pala, nasa tabi ko siya, at pinapanood ang ginagawa ko.

"Oo, ikaw." gusto ko sanang sagutin, pero syempre hindi, di ba?

Natingnan ko siya. Naalala ko ang sinabi ni Tony kanina.

"I hate how he's looking at you like he owns you."

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yon. At kung ano ang basehan niya. Wala naman kasi akong nakikitang kakaiba sa bawat tingin na pinupukol niya sakin.

I'm just an ordinary girl in his eyes.

"Seriously Maiah? Are you drooling over me, now?" natatawa niyang tanong. And it shows his perfect teeth.

Hindi ba ako mauubusan ng papuri sa lalaking to?

Tama na, wala naman akong mapapala. Hindi naman siya magiging akin.

"Bakit ba masyado kang mayabang? Hindi lahat ng babae ay gugustuhin ang kagaya mo." at parang gusto kong lunukin lahat ng sinabi ko.

"Bakit ka kasi titig na titig sakin?  May dumi ba ako sa mukha? Magsa-shower na ako kung nadudumihan ka na sakin."

"Akala ko kasi may muta ka. Wala naman pala."

"God, Maiah. You're gross."

"Ganyan talaga ang mga mayayaman, maaarte."

"But what I said is true."

Napanguso ako. At nagpatuloy sa ginagawa sa laptop niya, habang patuloy na dinidedma ang sakit na nararamdam ko.

"I'm going to call the team. Kailangan nilang mag-implement ng mas effective security for your personal information." sabi ko.

Tumango siya. "I want to delete all my personal information from the internet. And I don't want to receive any kind of messages from any other person, including her."

"But she's not anonymous. She's your ex." I manage to say it like it's normal.

"Huwag mo ng ipamukha yan sakin. I know it damn well. Kaya nga ayokong makareceive ng message sa kanya, eh. Anything from her." sabi niya.

I wonder why. Parang dinurog yata ni Kate ang puso niya dahil parang sobra ang hatred niya dito. Gusto ko sanang tanungin kung bakit. Pero huwag na lang. Baka lalong magsungit sakin.

"If that's what you want." tugon ko, at nilabas ang phone saka tumawag sa elite team para ipaalam ang gusto niyang mangyari. Shinut down ko na rin ang laptop at agad na binalik sa kanya.

My BodyguardWhere stories live. Discover now