Chapter 71

12.1K 294 226
                                    

THOMAS' POV
June 2019

Unti unting nagunaw ang mundo ko habang sinusundan ng tingin ang kotse ng kaibigan ni Ara na si Mika habang palayo na ito sakin.

Paulit ulit na tumakbo sa isip ko yung huli nyang isinigaw saakin.

"I want you to fight for me. Thomas,that's all I ever wanted"

Fight for her?

Ara kung alam mo lang.

Nilaban na kita bago ka palang um-oo sa deal natin.

Napaupo ako sa sidewalk rito at umiyak na lang ako ng umiyak.

Sobrang sakit nitong nararamdaman ko.

Sobra akong nanliliit dahil sa pagiging tarantado ko.

Sa sobrang pagiging uto uto ko pati taong mahal ko nasasaktan ko.

sobrang nanliliit na ko.

Sumakay ako sa kotse ko at agad na tumungo sa airport.

Hindi ako magpapakita,I just wanted to see Ara again for the last time.

Alam kong sa America na sya titira at sigurado ko..

.

.

.

.

.

Itatago sya sakin ni Gabby.

Alam ko na di na nya ako hahayaang makalapit kay Ara kaya ngayong paalis na sya,gusto ko syang makita.

Nung makarating ako sa airport.

Tumakbo ako sa gate number na papasok sila Ara. Nagsuot ako ng sumbrero para di ako masyadong makilala't mapansin.

Nung malapit na ako sa gate number nila kita ko na kagad silang lahat.

Yung mga kaibigan ni Ara pati ang pamilya nya. Lalo na si Gabby at mga magulang nya.

Hindi ko maiwasan pero naluluha ako.

Ano bang magagawa ko?

Kasalanan ko lahat kung bakit sya aalis.

At kasalanan ko rin kung bakit sya magpapakasal kay gabby.

Bakit ba kasi ang gago kong tao?

Bakit ko hinayaang mangyari to?

Umalis na si Ara habang hawak hawak ang kamay ni Gabby.

Napailing na lang ako at umiyak.

Bakit sa kanya napunta si Ara?

Hindi naman nya deserve ang babaeng yan.

Ako yung para kay Ara.

Kaso mahirap ng ilaban.

Mahirap ng humiling na sana ibalik nya sakin si Ara.

na sana ibalik nya sakin yung babaeng mahal na mahal ko.

Tumalikod na lang ako at kagad na pumunta sa kotse ko.

lutang na lutang ako habang nagmamaneho at nagagalit ako sa sarili ko.

Nagagalit ako sa mga ginawa ko.

Nagmaneho ako papunta sa bahay. Yung bahay naming maliit lang at napaka simple lang.

Yung bahay na akin talaga at hindi pinahiram lang sakin.

Kagad akong pumunta sa bahay at pumasok sa loob.

Nadatnan ko yung tv na nakabukas. Naiwan nanaman nya siguro. Pinatay ko ito at pumunta sa kwarto nya.

I Am The Sex Slave Of Mr. Thomas TorresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon