CHAPTER 12 - CHAPTER 13

323 3 0
                                    

Itutuloy ko na po.. Naisipan ko siguro tinatamad na din ang mga readers maghintay ng kasunod. :D Hahaha, baka tamarin kayo lalo, nako! lagot na! Habang nakikinig sa Maria-- yung sa 200 Pounds Beauty. Ganda non. Promise :)

---------------------------------------

"Den, yoko na. Puro ka Presci, kakasawa.."

"Nakakasawa? naganyan din ako dati e.."

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.. Bakit ganon?

Kahit ilang beses na ko nasaktan sa kaniya, parang di pa rin nababawasan pagmamahal ko sa kaniya.. Naguguluhan talaga ko sa sarili ko.. Ang sakit nung sinabi niya yon.. Kahit hindi niya sabihing direkta na para sakin yon, ramdam ko.. Siguro yun yung nagsawa siya sakin noong 3rd year, ipinakita ko kasi na mahal na mahal ko siya.. Kaya nagsawa siya..

"Sana sinabi mo agad Den, para alam ko.." - Alam ko naman talaga eh, umaasa pa rin kasi ako hanggang ngayon.. Alam ko naman talaga.

"Ang alin?"

"Na Nagsawa ka.."

"Hindi mo ba alam?"

"Alam, joke lang yung kanina.. hahaha" - Alam na alam ko.. kahit ang sakit sakit na, hindi ko alam anong meron ka..

"Alam mo pala e.."

OO, alam na alam ko. Ang sakit talaga.. GUSTO KO NA MAG-COLLEGE!

Sa tingin ko hangga't hindi siya nawawala sa paningin ko, mamahalin at mamahalin ko pa din siya.. Isang dahilan kung bakit gusto ko na mag-college eh para hindi ko na siya makita.. Habang hindi ko na siya nakikita, sa tingin ko mas mapapabilis ang pag-move on ko.. Maraming beses ko nang sinabi sa sarili ko na gusto ko mag-move on, pero wala eh.. Walang epek! Hindi ko talaga magawa.. tuwing nakikita ko siya, gusto ko nag-uusap kami.. nagtatalo, parang hinahanap hanap ko na siya..

Balik nanaman kami sa dati naming lagay..

mag-uusap..

Hindi mag-uusap..

mag-uusap..

hindi mag-uusap..

Para kaming baliw.. Hindi, ako lang pala ang baliw. Patuloy na umaasa sa kaniya..

"Bakit kaya ganon? Kung sinong mahal at gusto natin, yun ang hindi napupunta sa atin?"

Iniisip ko na nga lang minsan na lahat talaga ng bagay may purpose kaya ganito ang nangyayari.. Siguro hindi talaga para sakin si Denver..

Minsan iniisip ko na lang din na totoo talaga yung kasabihan na "Hindi lahat ng bagay mapupunta sayo", magaganda ang grades ko, may tunay akong mga kaibigan.. At higit sa lahat, may pamilya ako na mahal ako.. Kaya siguro sabi ni Lord na..

"Hazel, iyan na muna ang sa iyo ah.. Bigyan mo muna ng chance ung iba.."

YES PO LORD..

Hindi ko talaga alam ano meron jan kay Denver..

------

<DENVER'S POV>

YES! Intrams naa! Sayang, gusto ko sana maglaro ng basketball eh, kaso nahihiya ako. Nakakainis! Paano ko magiging varsity nito? dudurugin ko pa naman mga schools nila. >:)

Uy! Daming booths ah, tiba-tiba! May food booth, peyborit! iba't iba ang booths, karamihan sa elementary eh, uy! teka, meron din pala high school.. ano yun?

B-BLIND DATE BOOTH?!

Hahahaha.. may makikipag date kaya sakin? :D

Makanood na nga ng mga laban..

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now