Prolouge

530 24 7
                                    

*****

Agad akong napadilat at halos habulin ko ang aking hininga, nilibot ko ang aking mata sa paligid. Puting kisame, pader at sahig.

Nasaan ako?

Tumayo ako sa aking pagkakahiga at napansin ko kung anu-ano ang nakakabit saaking katawan.

Tinanggal ko ang karayom na nakabaon saaking kaliwang kamay, ang sagabal na kung ano man ito saaking ilong na nagbibigay hangin saakin.

Ang nakakabit saaking daliri at kung anu-ano pa. Paglapat ng aking paa sa sahig at nang ako ay makatayo parang nanghihina ako nang husto at halos nanginginig ang aking katawan.

Dahan dahan akong pumunta sa pintuan upang makalabas dito, nang pihitin ko ang door knob, may isang malakas na sirena ang pumalibot sa paligid.

Pamilyar ang tunog nito, nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari. Agad kong ginawang yelo ang pintuan at nang mag yelo ito sinipa ko upang mabasag.

Tumakbo ako kung saanman dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Maraming pasikot-sikot, puro puti ang paligid, maraming kwarto at maraming hallways.

Nasaan ba ako?

Nahinto ako sa pagtakbo ng may mga ASF na humarang saakin at tinutukan ako ng anti-spirit gutling gun. I licked my lower lip in anxiety.

"Freeze!" Sigaw ng isang ASF.

Ngumisi ako, "Your wish is my command!" Gumawa ako ng harang na gawa sa yelo, pinaputok nila ang kanilang baril, tumama ito sa pader na gawa sa yelo pero may nakalusot na isang bala dahilan para mabaril ako sa tagiliran.

I really hate humans!

Napangiwi ako sa sakit at tinitigan ang matingkad na pulang likido saakin sugat. Ika-ika akong tumayo at dumaan sa kabila dahil nga gumawa ako ng harang sa pagitan namin ng mga ASF.

Narinig ko ang mga yabag ng mga tao na nagtatakbuhan agad akong nagtago sa isang silid roon, hinintay kong mawala ang mga nagtatakbuhan. Nakahinga naman ako ng maluwag.

How can I get out from here?!

Napapikit ako sa sobrang inis dahil hindi ko alam kung paano makaalis sa lugar na ito. Lumapit ako sa pader at idinikit ang aking tainga, pinaringgan ko ng husto ang labas ng pader.

Agos? Dagat? Ilog? O kung ano mang bodies of water ito. Ang mahalaga pag nawasak ko ang pader na ito na gawa sa bakal o kung ano mang metal ito makakalabas ako.

Pumikit ako at inilahad ang aking dalawang kamay at ginawang yelo ito, pagkaraan ng ilang minuto ito ay nagyelo, makapal at matigas na hindi kakayanin kung sisipain ko lang.

Lumayo ako at gumawa ng isang malaking tibag na yelo upang mabasag ang pader na ginawa kong yelo. Hinagis ko ito roon at tama ang hinala ko isang dagat ang makikita mo.

Lumipad ako palabas upang makawala sa lugar na ito, kailangan kong bumalik sa mundo ko, I prayed for my angel to be able to go back in my world.

Para akong kinuryente nang subukan kong buksan ang portal ng mundo ko dahilan para mawalan ako ng malay at mahulog sa dagat reason para iagos ako nito sa kung saanman.

The Spirit has AwakenWhere stories live. Discover now