Reflection 15 (finale)

Comincia dall'inizio
                                    


             Tumusok si Jade ng isang hiwa ng hotdog at isinubo sa bibig ko. "Taste it, masarap sya."



            "Holy ***!"




             Nameywang si Jade. "What did I tell you about saying bad words?"



           Are you really lecturing me? Bakit pakiramdam ko nagkapalit tayo ng sitwasyon? "Paanong hindi ako mapapamura? This hotdog taste –" SHIT! HORRIBLE! WORST FOOD EVER! Napatingin ako sa dalawang promodizer. Ayokong mang-offend but this food taste like a poop okay?



             Anong nagustuhan ni Jade sa pagkain na ito? May problema ba sya sa panlasa?



            Napansin ko na panay ang tingin ni Jade sa ibaba. Hmm, It feels like she's sending me a secret message. Napatingin din tuloy ako sa ibaba. She's tapping her right foot on the floor. Oh! Saka ko lang napansin ang kulay dilaw na bagay sa ilalim ng kaniyang sapatos.




             Is that a 500 pesos!?




             "Benigno! This food taste like heaven" Now I know why she called me here. Hindi kasi sya makayuko eh, it's hard for her to pick up the money.




             "See? Sabi sa iyo eh." Tumango tango ang bruhilda.



          "L-Love! Ano ba 'yan hindi ka talaga marunong mag ingat. Bakit hindi n-nakasintas ng maayos ang sapatos mo?" I'm really not good in lying. Tumalungko ako at kunwaring ibinalik sa ayos ang pagkakasintas ng sapatos nya bago pasimpleng kinuha ang pera . . . and to think na wala namang sintas ang mga doll shoes.



             In other people's perspective, they are seeing me as a loving and caring boyfriend who tends in my girlfriend needs.



             "Ang sweet naman ni Boyfie, Maam." Sabi ng isang promodizer.



             "Oo nga Maam, nakakainggit tuloy."



             "I know right." Proud na proud na sabi ni Jade. Nang makita nya na nakuha ko ang pera at naitago sa isang safe na lugar (I mean my pocket) Umakto ito na parang sumasakit ang tiyan. "Love, medyo sumasakit yung tiyan ko."



             "Maam, gusto nyong i-assist namin kayo."



             "Naku wag na! Iuupo ko lang ito. Masyado lang siguro akong napagod sa pamimili."



            How could she lie with a straight face?! "Let's find a place where you can seat comfortably, L-Love." Inalalayan ko sya palayo sa lugar.



           Nang malayo na kami sa kanilang earshot Jade whisper in my ear. "Pantay na hatian. 300 sakin 200 sa'yo."




             "Hindi ba natin isosoli ito sa may ari saka anong klaseng hatian naman 'yan?" I whispered back.



             "Love, nakasulat sa Article 3 section 5 in Jade's Constitution na ang lahat ng bagay na madampot ng kamay ko na walang nag mamay ari ay walang duda na akin." Uh, may ganoon bang klase ng konstitusyon? "At isa pa –" She pointed at her tummy. "Dalawa kami. Free of charge na nga lang yung acting skills eh."



             I sighed, "Jade..." sumeryoso ang mukha ko.



             She feels guilty. "I know na masama at mali ang ginawa ko and I am not setting a good example for the baby. Pero naman kasi sobrang mahal na ng mga bilihin ngayon at pinag sasabay mo pa ang pag aaral mo at pagpapart time job. That's a freaking 500 pesos Ryan! makakabili na ko ng ilang packs ng nachos sa grocery ng hindi humihingi sayo. Kung may dapat sisihin dito ang Nachos iyon dahil pinadudumi nya ang utak  ko kaya nakakagawa ako ng masama."


Infatuation & ReflectionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora