CHAPTER 5 ~ Banat ~

Start from the beginning
                                    

"Hindi! Ang pangit ko nga eh. Alam mo yon?"

Impit na napatili ako at nagdadabog na pumasok ako sa kusina. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Pareho silang matigas ang ulo...pasaway at kung ano-ano pa. Malalagas lahat ng buhok ko sa kanila.

-___-

"Mababaliw ako!"

...

...

"Sa akin Eika love? Alam ko na yan hindi mo na kailangang dibdibin."

Binato ko ng nahawakan kong pipino si Yale na expectedly ay nasalo naman niya. Bago pa akomakapagreact naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko iton at nagsalubong ang mga kilay ko ng mabasa kong galing kay Lake iyon.

FR: Lake Pasaway

Mas gwapo parin ako sa kaniya.

ARGH! Kill me now.

NAKAPALUMBABA lang ako habang nakatingin sa mga agents na kasalukuyang nag pa-party dito sa bahay ni Craige. Anniversary daw ng unang joke na nagawa ni Craige. Sinong nagpasimuno?

-____- 

Malamang si Thea na siya lang namang may lakas ng loob pagtripan si Craige na ngayon ay kasalukuyang nakikipaglaro sa anak niya at pilit iniignora ang mga taong bumabati sa kaniya. Kung sabagay...imbis na matuwa ka parang insulto pa ang dating ng celebration.

"Bilib ako sa asawa mo. Kung ako yan nagbigti na ko."-me

"Hindi niya matitiis ang alindog ko. Isa pa...kapag nagpakamatay siya magiging kaluluwang ligaw na alng siya. Pagkatapos makakatuluyan ko si Chris Evans..at pag nangyari yon magdudusa siya sa Other Side dahil makikita niyang nahuhumaling sakin si Chris Evans."

Napaubo ako. Mana-mana lang talaga ang kahanginan sa lugar na to. Ako? Well....medyo. "Other Side? Ano to? Vampire Diaries?"

"Pwede. Ang dami ding gwapo don-"

Naputol ang sasabihin niya ng dumaan malapit samin at namataan namin si Craige na masama ang tingin sa kaniya. Obviously..narinig niya ang sinabi ni Thea.

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Where stories live. Discover now