CHAPTER I (BRIAN AND ANDREA)

40 0 0
                                    

CHAPTER I ( Brian & Andrea )

Mabangong amoy ang gumising kay Brian Sandoval, napangiti naman siya sa sarili dahil alam niyang nasa kusina ang asawa at nagluluto ng paborito niyang tinolang manok. Ang bait talaga ng asawa niyang si Andrea, maalaga sa kanya ito, kaya hindi siya nagsisisi na pinakasalan niya ito eh. Full time wife ito sa kanya hindi na nga sila kumuha ng katulong pa dahil mas pinili nito na personal siyang alagaan kesa sa trabahu nito, at doon naman siya humahanga dahil kaya nitong ipagpalit lahat lahat mapasaya lamang siya.

Nakilala niya ito sa isang party ng isa niyang kabarkada, kaibigan nito ang isang barkada niya kaya naman hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at nakipag kaibigan kaagad dito. Si andrea ang tipo ng babaeng pa-pangarapin mo maging asawa, perfect girl plus ideal wife na talaga. Simple lang ito manamit at hindi nakakasawa tingnan dahil sa maamo nitong mukha, may hawig ito kay Kristine Hermosa at Jessy Mendiola.

Niligawan kaagad niya ito makalipas ang matagal na pagpapalipad hangin, makaraan ang ilang buwan ay nagbunga naman ang panunuyo niya dito at sinagot siya hanggang sa sila’y ikasal. Sa isang sikat na bangko ito nagtatrabaho peru nag resign ito ng magpakasal sila, hindi niya ito pinilit dahil ayaw din naman niyang maging sagabal sa plano nito lalo na sa karer nito. Kaya naman niya ito buhayin kahit papano, maayos naman ang katungkulan niya sa isang malaking kumpanya dito sa Makati.

Lumaki siyang ulila kaya naman nagsusumikap siya para hindi maranasan ng magiging anak nila ni Andrea ang hirap ng walang gumagabay na magulang. At ngayon nga, tuwing umaga. Maagang nagigising ang asawa niya para ipaghanda ang kakainin niya pati na rin ang susuotin niya sa trabaho. Pagkatapos nitong magluto at nakitang tulog pa siya, malambing siya nitong gigisingin. Kaya ng maramdaman niyang papasok na sa kwarto nila ang asawa nagkukunwari siyang tulog tulogan.

“Hon gising na, baka mahuli ka pa sa trabahu mo.” wala pa rin reaksiyon ang ‘natutulog’ na asawa kaya nilapitan niya ito at hinalikan. “hon gising na, baka mahuli ka pa...hon..gising na...” ng hindi pa rin ito ‘magising’ ay hinalikan niya ito sa tainga, malakas kasi kiliti ng asawa niya sa tainga. Hindi nga siya nagkamali, nagising na itong tumatawa.

“hon naman eh, kanina ka pa pala gising...kung hindi ka pa kikilitiin, hindi ka pa rin magigising.”

“sorry naman hon ko, eh sa gusto ko iyong ginigising mo ako eh. Kasi may ‘ibang’ nagigising sa akin.” tumawa pa ito sa kanya sabay kindat.

Tumayo naman siya sa kama. “hon ha, ang aga aga puro ka kalokohan. Tayo ka na diyan ng makapasok ka na.”

“sayo ko gusto pumasok hon eh, halika nga dito hon...hmmm” hinila siya nito kaya natatawa naman siyang napahiga dito, may matigas na bagay kasi siyang naramdaman.

“hon mamaya na iyan ha, alam ko ang balak mo. Halata sa matigas na bumundol sa akin.” napahagikgik pa siya dito.

“saglit lang naman toh hon.” hinalikan na niya ang asawa para hindi na makatutol ito. Tunog ng cellphone ang pumukaw sa ginagawa nila, hindi  nila ito pinapansin subalit makulit talaga ang caller kaya napamura nalang siya na ikinatawa naman ni Andrea. “sagutin mo muna hon, baka importante...baba muna ako at ipaghahain na kita ng kakainin mo baka mahuli ka pa.” natatawa siya sa hitsura ng asawa, parang nagmamaktol pa ito habang sinasagot ang tawag.

HABANG KUMAKAIN SI BRIAN...

pinagmamasdan itong maigi ni Andrea, napatigil naman si Brian sa pagkain at napa-ngiti sa asawa.

“Sandy matutunaw na ako sa kakatitig mo, baka hindi ko matapos itong kinakain ko at ikaw ang tapusin ko sige ka.”

Sandy ang tawag sa kanya nito, noong una akala niya kung sinong sandy ang tinatawag nito. Baka kabit nito o kaya’y ang bagong kinalolokohan. Kelan lang niya nalaman na  may ibig sabihin pala ang pangalang sandy na ikinakilig niya, Sweet Angel Darling pala iyon kaya pag ganun na ang tawag sa kanya hindi niya maiwasang kiligin pa rin.

“naku hon, tapusin mo na yan anong oras na oh.”

“opo, ikaw naman...gusto mo din naman eh.” napatigil naman sa pag nguya si Brian ng makitang kumunot ang noo ng asawa. “biro lang hon, uyy...ba’t napakunot noo ka diyan?”

“w-wala ‘to hon..”

“sa akin ka pa ba magsisinungaling hon? eh kilala na kita eh, alam ko kung may bumabagabag sayo. now tell me, what it is?”

“bigla lang kasi akong kinabahan hon, anu kaya kung ‘wag ka ng pumasok hon?”

napangiti naman si Brian ng makitang seryusong seryuso ang asawa. “hon, uuwi din naman ako mamaya eh, kung hindi ka na makapag-antay para gawin natin iyong--- “

“hon naman eh, seryuso ako dito eh...nakukuha mo pang magbiru diyan.” nagtatampong sagot ni Andrea.

“biru lang hon, pinapatawa lang naman kita eh, smile ka na diyan...”

ANDREA’s POV

Kanina pa siya hindi mapakali habang tinitingnan ang asawang kumakain, ewan ba niya kung bakit. Wala namang dapat ipag-alala peru bakit ganun na lang ang kaba niya. Tapos nakukuha pang magbiru ng asawa. Nang matapos na ito sa pagkain, hinatid na niya ito sa labas.

“hon alis na ako, bye.” hinalikan niya ang asawa bago pumasok ng kotse

“h-hon kinakabahan talaga ako, seryuso na talaga...’wag ka na lang kaya muna pumasok?umabsent ka muna kahit ngayung araw lang.”

natigil siyang pumasok sa sasakyan at nginitian ang asawa. “hon gustuhin ko man hindi pwede eh, tambak na mga paper works ko...at saka tinawagan ako ng boss ko kanina remember? minamadali na niya kasi by next week out of town siya.”

“o-okey, basta mag-iingat ka palagi ha? tawagan mo ako pagdating mo sa work.”

“okey hon, oh sige na alis na ako baka ma-late na naman ako, naku tiyak na sabon ako kay boss.” matapos halikan ulit ang asawa ay umalis na siya, twenty minutes nalang late na talaga siya.

Habol pa niya ng  tingin ang asawa hanggang sa hindi na niya ito matanaw, ang lakas pa rin ng kabog ng puso niya. Hindi niya alam na iyon na ang huling makikita ang asawa at mahahalikan.

Ako si Brian, Ako ang iyong Mahal...Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin