Lost Memories (One-Shot)

31 2 0
                                        

FRANCE

Her Point Of View

"HEY! LOOK AT ME." Sabi ng lalakeng humigit sa kamay ng isang babae.

"P-please..Let me go.." Pagmamakaawa naman ng babae. Halata sa kanya na nahihirapan siya. Batay na rin sa mga luhang patuloy umaagos sa mata niya.

"No. Just once, look at me." Sabi pa rin ng lalake at hinawakan ang magkabilang pisngi ng babae. Walang nagawa ang babae at sinunod na lamang ang lalake. Nasa harap sila ng isang bahay, pareho silang nakasuot ng uniform. Halatang katatapos lang ng klase nilang dalawa.

"I love you. P-please don't g-go." Saad ng lalakeng lumuluha. Napahagulgol ang babae at hinawakan ang mga kamay ng lalakeng nasa pisnge niya.

"I love you too. Pero alam mong matagal ko na 'tong gusto. Matagal ko ng pangarap 'to. Mula bata pa lang ako ito na ang gusto ko. Once in a lifetime opprtunity 'to. Here," Inabot ng babae ang medalya na nasa leeg niya at kinuha ito. Inilagay niya ito sa kamay ng lalake.

"Once na maging succesful ako sa France babalik ulit ako dito. Hahanapin kita at once na pareho pa tayong malaya, let's give us a chance to be together again, okay?" Sambit ng babae at siya naman ang yumakap ng mahigpit sa lalake.

"Maghihintay ako. Kahit gaano pa katagal. Ikaw lang. Mahal na mahal kita." Sambit ng lalake at hinalikan ang babae sa kanyang noo. Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa. Umalis na ang babae at tuluyang sumakay sa sasakyan.

"Hanggang sa muli, Alexia." Sambit ng lalake at hindi napigilang humagulgol at mas hinigpitan ang hawak sa medalya na nagsisilbing ala-ala sa babaeng pinakamamahal niya.

Napaupo ako sa kama ko ng magising ako. Panaginip lang pala. Hingal na hingal ako at hindi makahinga. Nanginginig kong kinuha ang tubig mula sa side table at ininom ito. Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Isang linggo na simula ng managinip ako ng iba't ibang pangyayari pero pareho lang ng mga tao. Yung mga tao sa panaginip ko ngayon, sila yung mga taong nasa panaginip ko palagi. Sigurado ako kahit hindi ko maaninag ang mukha nila, nabobosesan ko sila. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang panaginip ko pero familiar sa'kin yung mga boses nila.

"Catherine!" Rinig kong sigaw ng tao mula sa pinto. Lumapit ako 'dun atsaka binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang nakasimangot na mukha ni Seah.

"Oh? Anong mukha yan?" Nakakunot-noo kong tanong.

"Mukha ng dyosa." Sagot niya at umirap. Tumawa ako.

"Grabe! Ang aga-aga, havey na havey ang joke mo. Saan mo ba nakuha yun? Sa baul ng lola mo?" Nang-aasar kong tanong sa kanya. Sanay na 'yan sa'kin.

"Tch. Shut up! Halika na! Kanina pa tayo hinihintay ni Oliver! Ang aga-aga nandito na! Sasabay daw sa'tin kumain. Tsk."

"Ah. Kaya pala nakabusangot na 'yang pagmumukha mo. Sagutin mo na kasi 'yang manliligaw mo." Sabi ko na tumatango-tango pa.

"Seriously? Kahapon lang umamin na may gusto sa'kin tapos sasagutin ko na agad? Halika na nga! Ewan ko sa'yo!" Nakasimangot na sabi niya at nag-walk out. Baliw talaga.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Nandito kami ngayon sa bahay--- I mean mansion namin dito sa France. Sabi nila, mula ng nag-trabaho ako dito pinagawa ni Mom 'tong mansion. Dito na kasi kami titira for good. May business na rin ako dito. I'm the most famous model here at France. May sarili rin akong salon na ako ang namamahala. Itong si Seah naman, isa sa mga kasama ko sa modelling at sa pagpapatakbo ko ng salon. Nakilala ko siya sa isang company kung saan magkasama kaming nag-trabaho. More than 1 year na kaming magkaibigan ni Seah at dito ko na rin siya pinatira, since siya lang naman ang kaibigan ko dito sa France. More than five years na kaming nakatira dito sa France. Sina Mom at Dad, I'm sure nasa office na 'yun. Maaga kasi silang pumapasok kaya naiiwan kami ni Seah dito. Kasalukuyan na kong nakaupo sa upuan at katapat ko si Seah at Oliver na magkatabi. Sus, galawang hokage si Oliver.

Lost Memories (One-shot)Where stories live. Discover now