"Haha. Pasalamat ka talaga!"
"Aba! Nang-aasar ka pa ah!"
"Ang inaalala ko nalang.. pano sa susunod na taon? Graduating na ako this year, tol!"
"Kaya ko yan! Ako pa!"
"Ewan nga sayo! Kasama mo ako since 1st year ka, helloooo! Ako lagi ang nagtatanggol sayo. Baka naman kasi kung anong gawin mo katangahan kung hahayaan nalang kita mag-isa di ba?"
"Gaya ng?"
"Kagaya ng mga kinaaadikan mo? Pano kung idisplay mo nalang bigla ung mga ulo nila sa bahay niyo? Hmmm... Eh kung mag boyfriend ka nalang kaya nang may magtanggol sayo? Nangmaiwasan din ang pag danak ng dugo. haha"
"Imposible! Ayaw ko nga sa mga lalaki tapos magkakaboyfriend pa ako? Asa ka pa."
"Hay nako! Oo nga naman... ngayon lang ata ako nakatagpo ng isang magandang babae na ayaw sa mga lalaki."
"Eh ikaw ba?"
"Ha? Ako? Wala pa akong interest sa mga ganyang bagay. Pero di ko naman kinasusuklaman ang mga lalaki no."
"Maganda ka rin naman, Rina. Pero bakit ako nalang lagi?"
"hmmm... tara na nga! Wag ka ng magdrama diyan! Lilipas din yan." nakangiting sabi ni Rina. Sabay hila niya sa akin papasok ng building.
"Iwan na kita ha? Siguro naman kaya mo na? Joke! Sige, magkita nalang tayo mamaya. Bye." paaalam ni Rina.
Bakit ba kasi sa kabilang building pa ung room ni Rina eh! Ayan mag-isa na naman tuloy ako.
Pumasok na ako sa room namin. III-A ang section ko. "A" kasi top students lang ang nandito. Nakakagulat man, pero totoo na ako'y isang top student. Gusto ko sa section na to kasi kahit papaano may mga mababait pa rin akong kaklase. Bukod nalang sa kanya. Sa isang babae. Siya ang dahilan ng pagkalat ng maling chismis tungkol sa amin ni Alfred at sa iba pang mga lalaki. Dahil sa kanya nasira ang reputasyon ko sa school na to!
umupo na ako sa aking upuan at naglabas ng libro upang basahin...
"Magandang umaga Miss Vergado...!" isang sarcastic na pagbati mula sa prinsesang may sunggay na si Daniella.
"Magandang umaga din sayo, Daniella" sagot ko habang nakatingin pa rin sa librong binabasa ko.
"tsk! bwiset!" sabay alis ni Daniella.
"Anong problema nun?" tanong ng lalaki sa aking likuran.
Siya si Vince. Hindi ko siya kaibigan pero gustong-gusto niya akong kausapin. Siya yung tipong buntot ng buntot sa akin. Ewan ko ba dito. Pero hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya. Di ko lang masabi kasi mukha namang iba siya sa mga lalaking iyon. Mukha namang siyang mabait at matulungin.
"Ewan ko."
"Ah! Good morning nga pala, Kath!"
"Ganun din sayo."
"uh-h... ano ba yan... ang cold mo parin sa akin.."
"Sorry, ganito lang talaga ako."
"Alam ko naman yun... pero ikaw pa rin ang gusto ko." pabulong niyang sabi.
"An—?"
*riiiiiiing*
sabay pasok ng adviser namin.
"Okay, class! let's start this day with a prayer. Mr. Vince Soriano! Please lead the prayer."
*prays*
"Good morning, class.."
"Good morning, Miss Cabrera."
At nagsimula na nga ang klase...
----------
Lunch break na. Papunta ako ngayon sa building kung nasaan si Rina nang may biglang tumawag sa akin.
"Ka-th-lyn!"
lumingon ako at nakitang papalapit si Vince.
*huff* *huff* "Sa-bay... ta-yo... ka-in?"
"Hindi pwede."
"Ah-h... ang lamig"
"Baka makita ka pa ng tropa ni Alfred at baka mapagtripan ka pa nila. Kaya wag na."
nagsimula na ulit akong maglakad...
"Ah-h! Wait!"
"Ano yun?"
"Ano ba kayo ni Alfre—"
"Wala."
"...."
"Ayaw ko lang na may napapahamak dahil sa akin. Kaya wag mo na rin ako sundan ng sundan baka kung ano pang gawin nila sayo."
muli na akong naglakad....
"Per—"
"Gwapo ka. Makakahanap ka agad niyan ng girlfriend. Di nga lang ako."
"Pero ikaw ang gusto ko!"
Nagulat ako ng sinigaw niya yun. Pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad...
Vince's POV
Nakakainis kasi nagkagusto ako sa kanya. Sa dinami-dami ng babae ba't sa kanya pa? Ba't kay Kathlyn Vergado pa? Eh napaka cold at parang walang puso niya sa iba. Nakikita ko lang ata siyang masaya kapag kasama niya ang student council president. At ito na nga ang nangyari kanina...
"Ka-th-lyn!" sigaw ko
sabay lingon niya.
*huff* *huff* "Sa-bay... ta-yo... ka-in?"
"Hindi pwede."
napatigil ako sa narinig ko.
"Ah-h... "
napakacold niya talaga.
"Baka makita ka pa ng tropa ni Alfred at baka mapagtripan ka pa nila. Kaya wag na."
nagsimula na ulit siyang maglakad...
"Ah-h! Wait!"
"Ano yun?"
"Ano ba kayo ni Alfre—"
"Wala."
Naspeechless ako. Ang bilis niyang makareact. Para bang alam na niya ang lahat ng sasabihin ko..
"Ayaw ko lang na may napapahamak dahil sa akin. Kaya wag mo na rin ako sundan ng sundan baka kung ano pang gawin nila sayo."
muli na akong naglakad....
"Per—"
"Gwapo ka. Makakahanap ka agad niyan ng girlfriend. Di nga lang ako."
"Pero ikaw ang gusto ko!"
Nagulat ako sa nasabi ko! Pero nagpatuloy pa rin siyang maglakad...
Masakit na marinig iyon galing sa kanya.. "Di nga lang ako...." Napakasakit!
Pero hindi ko ata kayang hindi makuha ang gusto ko... nakakainis naman!! Bakit ba kasi siya pa?
Bumalik nalang ako sa room at doon kumain mag-isa. Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa tennis court at nagbabakasakaling may practice game para makisali nang mabawasan itong sakit na nararamdaman.
YOU ARE READING
How I met him...
Teen FictionSi Kathlyn Vergado a.k.a "Miss cold-hearted" ay isang magandang babae na mahilig sa mga bagay na hindi normal para sa ibang tao. Wala ni isang pagkakataon sa kaniyang buhay na nagkagusto siya sa sino mang lalaki. Hanggang sa isang hindi inaasahang a...
Chapter 1 - Daily Routine
Start from the beginning
