Kath's POV
*Riiiiiiiiing* *Riiiiiiiing*
"ummmm.... "
"Nako 7:30 na! Ah! Malelate na ako sa school! " Sabay pasok sa banyo at tsaka naligo.
Ito ako laging kong routine tuwing umaga. Nakakabagot na nga rin kung minsan eh.
Laging late matulog sa kapapanuod ng anime at horror movies kung hindi naman kaya kakalaro ng R.P.G's.
Lagi din naman late nagigising dahil tamad bumangon. Hindi pa ba ako nagsasawa sa mga pang araw-araw kong ginagawa?
Ewan ko ba!
pag katapos kong magayos ay bumaba na ko para kumain...
"Oh Kath! Buti nagising ka pa!" Pang-asar na sabi ni Kuya Kiel.
"........."
"Ate malelate ka na." pabulong na sabi ni Kyle.
agad akong kumaha ng isang pirasong melon bread at tumakbo palabas ng bahay.
"Aalis na po ako!" Paalam ko sa kanila.
"Hoy! Sira ka! Akin yang melon bread!! Kathrina!!!" galit na sabi ng kuya ko.
"Hindi Kathrina ang pangalan ko!" Sabay belat kay kuya habang tumatakbo papalayo.
*huff* *huff* "nakakapagod tumakbo.." Pabulong kong sabi sa sarili ko.
"Kath!"
"Ah, Rina! Ikaw pala. Magandang umaga."
"Ganun din sayo."
"Tara sabay na tayo pumasok."
"Sige."
Nakarating na kami ni Rina sa school namin. As usual.. iba na naman ang ihip ng hangin sa school kapag nadating kami. Mga matang nakatitig. Mga bibig na nagchichismisan. Nakakairita na! Buti nalang talaga nandito si Rina. Kung wala siya baka hindi na ako napasok ngayon.
"Kath! Hoy, Kath!"
"Ah-h! Bakit?"
"Kanina pa kita tinatawag diyan eh! Lumulutang na naman yang isipan mo no? Ano na naman ba yan? Anime, patayan, gore, vampires... what?"
"Ah eh.. wala to."
"Sila na naman no?" sabay tingin sa paligid.
"......."
"Wag mo nalang kasing pansinin ung mga un."
"Alam ko naman un eh. Kaya lan—"
Nagulat ako sa biglang paghila sakin ng kung sino man.. Tapos bigla pa niya ako niyakap!
"Morning, Kathlyn"
"Bitiwan mo ako" kalamado kong sabi.
"Bakit naman?" Pang-asar niyang tanong sa akin.
Sobrang lapit na ng mukha niya sakin.
"Bitawan mo siya, Alfred!" Sigaw ni Rina.
"Ah! President.. ikaw pala. Sige alis na ako. Bye, Kath."
"Salamat."
"Wala yun"
"Bakit ba kasi lapitin ako ng mga lalaki ayan pinagtitinginan na naman tuloy tayo. Lagi nalang ganito" pabulong kong sabi.
"Maganda ka kasi." nakangiting sabi ni Rina.
"Sira! Buti nalang talaga ikaw ang student council president."
YOU ARE READING
How I met him...
Teen FictionSi Kathlyn Vergado a.k.a "Miss cold-hearted" ay isang magandang babae na mahilig sa mga bagay na hindi normal para sa ibang tao. Wala ni isang pagkakataon sa kaniyang buhay na nagkagusto siya sa sino mang lalaki. Hanggang sa isang hindi inaasahang a...
