MGBF(3)

1K 52 2
                                    

Lumabas ako at hinanap sya.

Hanggang sa makita ko sya sa veranda. Pano ko ba to kakausapin? Tsk,bahala na nga!

Tinabihan ko sya pero nakatingin lang din ako sa malayo. Hindi kami nagkikibuan. Nakikiramdam siguro.

Hanggang sa basagin ko na lang yung katahimikan.

"Na in love ka na ba?"tanong ko habang nakatitig parin sa malayo.

"Hindi pa pero it doesn't mean na hindi kita naiintindihan"sagot nya.

Napatingin ako sa kanya at tiningnan rin nya ako.

"Bakit ba nakikita ko sayo yung ex ko?"tanong ko.

"Is that a question for me or a question for you?"

Hindi ko alam pero napaluha na lang ako.

"Can I just have a hug?"tanong ko "I beg"

Nakita ko naman yung pagka awa nya sakin at niyapos kagad nya ako.

"Whatever happens,you're still Ara"bulong nya "Ara na may kaibigang bakla"

"I'm sorry kinuha ko virginity ng labi mo"pabirong saad ko

Natawa sya ng konti "Kung di kita kaibigan baka nasubunutan na kitang bruha ka"sagot nya "Kaya okay lang,kalimutan mo na lang. Kasi ako kakalimutan ko na talaga,nalasahan ko lasa ng kauri ko eh"

Napangiti ako ng konti at tumango. Ang bait talaga nito. How can I repay this Gay? Niyapos ko sya ng mas mahigpit.

"Gusto kong mag sky ranch"bulong ko.

Napatingin sya sakin kahit magkayapos kami. Halatang nagtaka sya. Oh,I forgot! Di nya alam yung sky ranch. Di nga pala sya taga rito sa Pinas.

May dumaan na isang pogi sa tabi nya at agad nyang hinawakan ang chest nun.

Napatigil naman si Kuya Pogi. Oh em gee,ang lakas ng loob nya.

"San yung sky ranch rito? Magkano papunta dun?"tanong nya kay Kuya Pogi at binaba ang kamay nya from chest to abs ni Kuya.

"Ahahahaha!"agad akong natawa at napalo sya ng konti sa braso nya.

Tiningnan naman ni Kuya Pogi yung kamay ni Tiff na nasa abs nya.

"Ay,sorry sorry"agad na pabirong tinanggal ni Tiff yung kamay nya sa abs ni Kuya. Lakas talaga ng loob nito,nakakatawa.

"Sky ranch? Wala dito yun,sa Tagaytay yun"sagot ni Kuya Pogi.

Kumunot noo ni Tiffany "Tagaytay? Ano gusto mo,inuman tayo? Alam ko maganda ako pero hindi ako pwedeng mai-table Kuya. Virgin pa ko. So squeeze me"

"AHAHAHAHA! Tiff hindi!!"agad ko syang pinigilan at pinagtawanan.

"Anong hindi? Eh pinapatagay ako eh. Inuman yata gusto nito,ite-table ako"sagot sakin ni Tiff.

"AHAHAHAHAHAHAHAHA!"agad akong natawa at napatingala na ko sa pagtawa.

"Oh no men,hindi ako pumapatol sa mga lalaking mas malaki pa pwet kesa sakin"saad ni Kuya.

Nanlaki naman ang mata ni Tiff at binitawan ako. Oh shit.

"Yan ang hindi ko gusto sa mga lalaki eh,na o offend sila kasi mas pogi kaming mga bakla"saad ni Tiff kay Kuya. "Aminin mo na kasi,nababakla ka na rin sa kadyosahan ko"

Tumawa naman si Kuya at nabigla kaming dalwa ni Tiff ng pinalo sya sa pwet nito.

"What's your number bro?"he asked Tiff "I'll call you na lang andito kasi girlfriend ko eh"

My Gay Best FriendWhere stories live. Discover now