Maja's POV
"Magic mirror on the wall, who is the fairest one of all? "
I asked while facing myself in front of the mirror. Hindi naman talaga magic 'tong salamin na 'to. At hindi ko rin 'to kinakausap dahil nag e-expect ako ng sagot mula dito. Haler? Alam kong maganda ako, pero hindi ako baliw. Okay, fine. Baliw ako. Baliw ako dahil sa kagandahan na taglay ko. Kahit sino naman yata mababaliw kapag nasilayan ang mala-dyosa kong kagandahan. And I am well aware of that.
"Maria Jasmine Bernardo is the fairest one of all" pag sasalita ng magandang babae na nasa salamin. Muntikan ko ng makalimutan na ako pala 'yun. See? Kahit naka ilang tanong na ako, yung magandang pangalan parin ang paulit ulit niyang binabangit. At muntikan ko nanamang malimutan na ako rin 'yun. Alam kong hindi marunong mag sinungaling ang mga salamin. Kasi wala namang filter 'to.
At dahil sa ganda kong 'to, ayaw na ayaw ko na may ibang taong napapansin bukod sa akin. Gusto ko ako lang ang sinasabihan ng maganda, sexy at matalino. Immune na ako masyado sa pagtawag nila sa akin ng maganda, sexy at matalino. Hindi ko sila masisisi. Because they're only stating the facts.
Gusto ko ako lang ang maganda sa paningin ng mga tao. Gusto ko ako lang ang palaging angat sa lahat ng mga nakakasama ko. Gusto ko ganda ko lang ang palaging litaw at palaging umaapaw. Gusto ko ako lang ang sexy sa lahat. Gusto ko ako lang ang matalino at palaging tinitingala ng mga tao. I am not a attention seeker, okay ? Mabuti na yung nag kakaliwanagan tayo.
Lahat kasi ng mga taong pilit na nakikipag sabayan sa ganda ko at hindi din bilib sa ganda ko, tinuturuan ko ng leksyon nila. They should know their place. Or else, I won't think twice to teach them damn lessons. They've been warned, only once. I don't want to warned them twice. Because once I said it, I mean it. I won't forced anyone just to like me, okay? Mabuti na yung mag kaliwanagan ulit tayo.
Nakatitig parin ako sa magandang babae na nasa salamin, at ako pala iyon. Minsan sinasabihan ako ng iba na masama at napaka maldita daw. The hell I care? E sa ganito ako. Mahilig ako mang-api ng mga pabidang tao. Ayaw ko talaga sa mga bida. Nabi-bwisit ako. Kilala ako dahil sa bansag ng naka rarami sa akin. Isa daw akong witch. Katulad ng mga kontrabida sa fairytale.
"Napaka ganda ko namang witch diba? " patuloy ko parin na kinakausap ang magandang babae sa salamin, at ako 'yun.
Fairytles do exist cause there are so many witches in this world. I admit, I am one of them. But not just an ordinary witch. Because I am completely different from other traditional witches in real life or in fairytales.
I Maria Jasmine 'Maja' Bernardo is the goddess and the most beautiful witch of all. No jokes, we're not close.
The story or should I say, my witch story is about to begin. Buckle up!
Once upon a Witch.
******************************
Sorry typo and grammar errors :)
