Chapter 3. "Who is Tyler?"

1.9K 41 4
                                    



Matanong kita ulit, ano bang trabaho ng manager sa isang basketball team? Kasi diba yung taga dala ng tubig, water boy ang tawag. Eh ako, anong mapapala nila sakin eh wala naman akong alam sa larong yan. But don't get me wrong, ikaw lang naman kasi ang gusto ko kaya napasali ako sa team nayun eh. Tinanong ko rin si Berto kaninang umaga about dun sa manager thingy pero ang hinayupak sinermunan ako ng tudo.



Okay na kasi siya dahil nag iinarte lang naman yun ng isang gabi tapos kinabukasan parang walang nagyari. Ganyan si Berto kaya sobrang goodvibes kami. Pero sinabon ako ng tudo kesyo kababae ko daw'ng tao sumasali ako sa larong panlalaki. Hindi na ako nag explain sa kanya kasi hindi ko naman tatanggapin yung trabaho. Yap! Ayukong masali sa kanila katulad ng sinabi ko sayo kagabi baka iba ang isipin mo. Buo na ang pasya ko kagabi palang lalo na't may so-called Tyler pa sa grupong yun. AYUKO!



Quarter to 5 pa lang nasa gym na ako. Nagpunta lang ako dito para sabihan ng personal si coach na hindi ako mag- aapply bilang manager nila. Sasama nga sana si Berto pero tinakasan ko siya. 5 minutes past ay isa-isa ng pumasok ang mga players. Bakit ganun, nasa criteria ba talaga na dapat gwapo at matangkad para masali sa team? Kasi naman ang gwapo nilang lahat.



"Cecelia right?" nag-angat ako ng tingin. He is chinito at mukhang korean kasi ang cute niya.



"Cecelia Cristina Calumpit."



"Wow! Tripple C?" tumawa pa siya buti nalang cute siya kaya hindi ko na lang pinansin.



"Andrie. Power forward." napa ismid ako.



"Power forward?"



"That's my position. Power forward. You're the manager kaya dapat alam mo yun. See that guy" tinuro niya ang papasok na sobrang tangkad at laki ng katawan.



"He's Zeus, center. And that guy playing the ball is Larry, he's the point guard. And that is Ty. . "



"Okay na! Gets ko na." umusog ako ng kunti palayo kay. . sino nga ba to? ah Andrie. Umusog ako palayo kasi pumasok si so-called Tyler at ang lalim ng titig sakin. May problema ba tong lalaking to? Makatitig tagos hanggang buto ah!



"He's the team captain." bulong pa ulit ni Andrie. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi naman importante yung mga position nila eh. Kahit ano naman siguro pwede diba? Saka yung coach lang ang pinunta ko dito.



"Excited ka na ba sa inter-school basketball tournament?" napakamot ako sa ulo ko. Ano bang sinasabi nitong lalaking to?

JERSEY No. 6  (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora