Special Chapter 5

Zacznij od początku
                                    

"Signature bag 'yon. Maganda naman, eh. Bibilhan pa kita ng box para 'di madumihan"

Ako ba talaga spoiled na asawa? 'di ako sanay gumamit ng ganun kamamahal na gamit. Palagi ko pa naman dinadala sa school ni Alex 'yung green na bag tapos ganun pala kamahal 'yon. May nagsabi pa naman sa'kin na 'I like your bag' kaya siguro niya nasabi sa'kin kasi alam niya 'yung presyo. Nakakapangsisi tuloy na may ganun akong bag.

"Wala kang bibilhin na bag bukas"

Sumimangot siya, "Ipagbenta mo nalang kay Charmaine kung ayaw mo. Bibilhin 'yon ni Paul, doblehin mo ang presyo"

"Sira ka talaga. Sa tingin mo bibilhin ni Paul 'yon? Iiyak muna 'yon bago bumili ng 300 thousand pesos na bag"

Ngumiti lang si Gio. Sa kuripot ni Paul baka si Charmaine pa ang magbayad ng lahat ng bills nila. Gusto niya raw isang anak lang para iwas sa gastos, eh dalawa na 'yung baby nila. Parehong lalaki pa.

Nakatingin ako sa mga stewardess na palagpas-lagpas sa aisle. Gaano ba katagal ang byahe papuntang France? Sumasakit na ang likod ko. "Gio, parang kilala ko 'yung babae na 'yon" sabi ko sakanya. May tinitingnan akong babae na nakatayo sa tapat lang namin, stewardess siya. "Iyon? Girlfriend 'yan ng anak ni Sir Marquez" yung kapwa niya abogado.

"Talaga? Kamukha siya ng anak ni Harvey, 'yung si Athena"

Huling kita ko sa batang 'yon sa Facebook ay graduation niya ng college. Hawig niya talaga 'yung bata. Ninang pa nga pala ako ng bata na 'yon. Leche kasi si Harvey. "Siya nga 'yon"

Goodness! Nanlaki 'yung mga mata ko doon. Tinitigan kong mabuti 'yung babae. Maganda siya. Matangkad pa. Hindi kamukha ni Harvey. "Di nga? Si Athena 'yon?"

Tumango siya, "Pinasok siya ni Sir Marquez dito, stewardess kasi 'yung isa niyang anak. Girlfriend naman siya ni Sebastian kaya okay lang sakanya"

Marami palang alam si Gio na hindi ko alam. Hindi ko akalain na may anak na si Harvey na nakatapos na ng college, si Alexis sampung taon palang, eh. Ang laki nga pala ng tanda ni Athena sakanya. Kumusta na kaya sina Harvey?

"Gio, paano kung si Harvey 'yung asawa ko ngayon, 'no? Siguro ang saya-saya ko" pinili ko talagang inisin siya ng bahagya. Pero kung si Harvey nga ang asawa ko ngayon, sobrang kinikilig siguro ako. Hinawakan niya 'yung isang kamay ko tapos tinapat sa mismong mukha ko 'yung ring finger ko, "Sino nga asawa mo ngayon?" tanong niya sa'kin.

"Ikaw" walang gana kong sagot.

"See. Hindi naman si Harvey, ako"

"Sus" sabi ko nalang, "Paano nga lang, eh. Selos agad" bulong ko.

"Hindi naman magiging kayo nun. May girlfriend siya tha time-"

"Shut up, Angelo. Shut up"

Halos isampal ko na sa mukha niya 'yung salitang shut up para tumigil lang siya sa pang-aasar sa'kin. Tumahimik naman siya. Ngumiti lang sa sinabi ko sakanya. Sobrang ayaw niyang tinatawag ko siyang Angelo. Hindi raw ako ang Granny niya. Namiss ko bigla 'yung lolo niya.

Sa tingin ko siya talaga ang may pangarap na makarating sa Eiffel Tower, handang handa na ang cellphone niya para sa pagkuha ng pictures. May dala pa siyang isang camera, makakagawa na naman kami ng photo album ngayon. Iba't ibang bansa na kami lang ang magkasama.

"Gusto ni Alex ng sketchpad tapos pencils and color pens na galing dito. Ikaw na pumili ng designs"

Bukod sa kasupladaha, isa pang namana ni Alexis sa daddy niya y ang pagkahilig sa pag sketch. Sobrang nagkakasundo silang dalawa.

Ako naman ang nabigyan ng pagkakataon nag awing unan ang balikat niya. Kahit mag-usap kami ng matagal ako lang rin ang mapapagod sa haba ng byahe.

~

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jan 17, 2022 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Mr. Know it All [EDITING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz