Maaari bang tumibok ang isang puso para sa dalawang Tao?
Minahal mo siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Dumaan pa ang mga araw at buwan ibinigay mo na ang lahat sa kanay, ang lahat ng pag mamahal mo. Sumobra ka at napagod ka, dahil lumipas ang panahon siya naman ang nagkulang, kulang na kulang.
Kumalas ka humingi ng kapayapaan para na rin sa inyong dalawa....
Dumating siya, kinilala niyo ang isa't-isa. Ibinahagi mo sa kanya ang lahat ng masasakit na naranasan mo sa taong minahal mo.
Sa hindi inaasahan, sinabi niyang gusto ka niyang protektahan sa lahat ng nananakit sayo,nanakit sayo at sa mga nag na nais pang manakit sayo.
Sinubukan niyo, sinubukan niyong maging sandigan ang isa't -isa.
Kaso bumitaw ka. Matapos ang inyong mga binuong pangako sa isa't -isa, matapos ang mga matatamis na salitang ipinatikim mo sa kanya, matapos niyong ibigay ang lahat ng oras sa isa't -isa, matapos ka niyang mahalin ng totoo, matapos ka niyang ipagtanggol sa nanakit sayo....
Iniwan mo pa din siya. Iniwan mo pa din siya kasi "hindi mo kayang iwanan ang nakaraan, hindi mo pa din siya nakakalimutan. Hindi mo pa din nakalimutan yung taong nanakit sayo, umabuso sa pagmamahal na ibinuhos mo."
Iniwan mo siya. Iniwan mo siyang hindi ka sigurado kung dapat mo ba siyang bitawanan at balikan ang nakaraan mo.
Bumalik ka, nagbalik ka sa nakaraan binalikan mo ang taong hindi alam ang salita ng pagpapahalaga.
Pero hindi pa rin mawala sa isip mo ang taong nagparamdam sayo na PRINSESA ka , na wala man siyang palasyo. Kaya ka niyang gawing reyna sa mga bisig niya. (Ang tanga mo diba?)
Bumalik ka , binalikan mo ang taong nanakit at hindi nagpahalaga sayo. Pero hindi ka nagsisi dahil nag bago siya. Itinama niya ang lahat ng pagkakamali niya, pinunan ang pagkukulang niya. Nagkulang ba talaga? O nakulangan ka lang? Naging maayos kayo. Ipinaramdam sa isa't -isa na kayo lang, kayo lang dapat dalawa ang magsasalo sa pagmamahalan na inyong binalikan at muling binubuhay.
Pero bakit? Bakit hindi parin mawala sa sistema mo ang taong naging hingahan mo at tinuring kang prinsesa? Kulang pa din ba ang pagmamahal ng iyong nakaraan? Hindi pa ba sapat ang pagbabago niya para hanapin mo pa ang lalaking nagpakita sa iyo ng hindi niya nagawang ipakita noong nasa bisig ka pa niya?
Lumipas ang mga araw, buwan at inabot na ng taon. Nabalitaan mong may minamahal na siya, may minamahal ng bago ang lalakig minahal at pinahalagahan ka ng sobra, nakahanap na siya ng babaeng pag lalaanan niya ng pagmamahal na sinayang mo noong pinili mong bumalik sa nakaraan mo. Nanghina ka, umiyak at muling nawasak at nagduda sa pagmamahal mo sa iyong nakaraan na ngayo'y siya ng kasalukuyan.
Natandaan mo ang mga araw, gabi na hiniling mo na sana makahanap siya ng babaeng paglalaanan niya ng pagmamahal na sinayang mo. Hiniling mo iyon hindi ba? Ngunit bakit? Bakit hinihiling mo muli ngayon na sana ikaw, ikaw pa din ang babaeng nagrereyna sa puso at bisig niya? Na paano kung hindi mo binalikan ang nakaraan, hindi mo siya iniwanan, ganon din kaya kayo kasaya? Ganon ka ba katuntento sa mga bisig niya at hindi na lilingon pa sa nakaraan at hahanapin ang hinaharap kundi magiging kampante at panatag ka na sa kasalukuyan?
Ngunit ang tanong...
Sino ba talaga sa kanila ang minahal, minamahal mo at nag mamaya-ari ng puso mo?
Siya na sinaktan ka, sinayang at nakamapante sa pagmamahal mo kaya hindi na kumilos para iparamdam pa sayo ang pagmamahal niya. At sa kanyang pagbabalik ipinakita naman sayo ang kanyang pagbabago para mabawi kang muli? Siya nga ba? Siya nga bang pinili mo para makasalo sa tamis ng pag-ibig?
O siya na nagparanas sa iyo na PRINSESA KA sa inyong sariling kaharian. Nagtanggol sa iyo. Pumunas sa mga luha mo? siya nga ba talaga? O natuwa ka lamang at nahanap sa kanya ang pag kukulang na hindi mo naramdaman sa nakaraan mo?
Sino nga ba talaga sa kanila?
Hanggang ngayon hindi ko pa din alam....
Eto lang ang alam ko hindi ako nag sisi na naging bahagi sila ng istorya ng buhay ko...
