"Nagdala ka ba ng swim wear mo, Claire? Nasabi naman siguro ng mommy mo na dito sa resort ang venue?" tanong ni Tita habang umiinom ito ng Juice.

Naalala ko yung dala kung One piece na nasa bag ko. Hindi ko pa nga iyon nagagamit, kasabay nitong suot kung damit n’ung binili namin ni Ash.

"Meron po." pag-amin ko. Hindi ko naman iyon masusuot ngayon dahil wala naman akong ka-close rito para maligo sa pool or doon sa beach. Parang tanga kasi kung mag-isa ko lang. Kaya for sure hindi ko lang din iyon magagamit.

"Good. Ipapakilala kita mamaya sa mga kaibigan ni Sam. Don’t worry they are all good. Wala na kasi rito ang asawa mo para samahan ka sa pool. Sayang naman ‘yung dala mo hindi ba?"

Tipid akong napangiti."Don’t worry tita, ayos lang po ako. Nakakahiya po kasi sa mga kaibigan ni Sam. Sundan ko na lang po si Vince sa kwarto." uminom ako ng tubig. Tapos na kasi akong kumain.

"Mababait sila, I assure you. Hindi ko naman kayo hahayaang hindi mag-enjoy. Minsan na nga lang tayo magkita-kita tapos magkukulong lang kayong dalawa sa kwarto." tumawa ito. "Basta after mo rito sasamahan kita sa mga kaibigan ni sam."

"Eh tita huwag na—"

"Claire, hindi mo ba ako pagbibigyan?" biglang pumungay ang mga mata ni tita na parang disappointed sa’kin.


Gusto ko rin namang maligo sa pool dahil namimiss ko rin ang maligo r’un kaya nga ako nagdala ng swimsuit ‘di ba? Kaya lang baka mailang ako sa mga kaibigan ni sam, tapos gan’un din sila sa akin.

"Pero tita, saglit lang po ako r’un ha?"

Biglang umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Oo, kung gusto mo ng umakyat sa kwarto niyo, you can go. Basta nag-enjoy ka na. Sayang din kasi ang byahe ni’yo kung matutulog lang kayo kaagad."


Sabagay. May point naman si Tita d’un. Nakikain lang kami kapag hindi ako nag-enjoy dito sa Birthday Party ni Sam. Subukan kung hindi mailang para naman magkaroon ako ng ibang kaibigan, nakakasawa na rin kasi si Ash. Hahah kidding!


"Oh tara na. Ipapakilala na kita."

Wala na akong nagawa dahil hinawakan na ni Tita ang pulso ko kaya nagpatianod na lang ako. Hindi sa kalayuan ay narating namin ang pwesto ng mga kaibigan ni sam. Naroon din siya kasama niya ang ilang lalaki tapos mga babae.

Nahiya tuloy ako n’ung nakuha ng atensyon ni Tita ang mga kaibigan niya. Tinawag kasi nito si Sam na kasalukuyang umiinom. Base sa itsura n’ung likidong nasa baso nila ay alak iyon.

"Oh ma!" salubong ni sam sa amin, ngumiti pa ito n’ung nakita niya ako. "Hi Claire."

"Hi." I smiled.

Bahagyang lumayo si sam sa mga kaibigan niya at lumapit sa amin.

"Wala kasing kasama itong si Claire. Tulog na si Vince. Gusto sana niyang maligo sa pool. Can you join her?" Nalaglag ‘yung panga ko. Not literally. Ako pa tuloy ang nagmukhang gustong maligo.

Biglang tinignan ako ni Sam tapos ngumiti ito sa akin. "Oh sure. Bakit hindi. Tara ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." masayang sabi nito sabay hawak sa pulsuhan ko para ilapit sa mga kaibigan niya.

"Take care of her, sam." rinig kung sigaw ni Tita n’ung medyo nakalayo na kami sa kanya.

Nilingon naman agad ni Sam ang mama niya. "Don’t worry mom! Ako bahala." sagot nito sabay ngiti.

"Ayos lang ba kung makisama ako sa inyo?" Nag-aalalang tanong ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Buti na ‘yung nagtanong ako.

Nakangiting tumingin naman ito sa akin. "Of course. Pinsan kita, Why not? Besides, we need to catch up. Ikaw na nga lang ang pinsan ko tapos bihira pa tayong magkasama. Well, except kay Kuya Gabriel. Laging inaalaska ako n’un kapag nag-vivideo call kami. Laging nangungulit." Umirap ito. Nakakatuwa ang daldal niya pala niya.

She's the Battered WifeWhere stories live. Discover now