“hey…anong sasabihin mo?”

“tanga ka ba o tanga-tangahan lang?”

“what? Ano bang gusto mong sabihin.”

“alam ko kung anong gusto mong mangyari Lorraine and let me tell you this, ikaw lang din ang masasaktan sa huli.” Naiintindihan ko na ngayon ang mga pinagsasabi niya.

“ako naman ang masasaktan eh kaya please lang hayaan mo na lang ako.”

“really? Gusto mong hayaan kita?! Naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo hah?!”

“Dwane…please…let me do this…”

“no! go back to New York. Nandun ang buhay mo Lorraine!”

“yes! Nandun nga ang buhay ko but my past keeps on hunting me!”

“why don’t you just forget your past! Bakit ka ba kasi pinayagan nila lolo dyan sa kalokohan mo?! mapapahamak ka lang sa mga pinaggagawa mo eh…imbis na sa mga imposibleng bagay mo ituon ang atensyon mo bakit hindi mo na lang ibuhos ang atensyon mo sa kasal niyo ni Jin?!”

Naluluha na ako sa mga sinabi niya…akala ba niya ganun kadali kalimutan ang nangyari sa nakaraan?!

“tsk! Kung ganon kadali eh di sana hindi na ako nagbalik dito para ayusin ang lahat! Kung nawala sana lahat nga alaala ko dati eh di sana busy-ing-busy na ako sa pagaasikaso sa kasal namin ni Jin!.. alam ko katangahan itong ginagawa ko but still, I want to do everything para makuha ko ang kapatawaran nila..kahit yun lang…kahit kapatawaran lang Dwane…kahit yun na lang…” hindi ko na napigilan at tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko at napaupo na lang ako sa sahig.

“hayy…parang mas gusto ko pa ang pinsan ko dating malamig ang pakikitungo sa iba kaysa ngayon na ganyan…” naramdaman ko ang pagluhod niya sa harapan ko kaya inangat ko ang ulo ko at sinalubong nag tingin niya.

“…lorraine alam mong hindi kita hahayaang masaktan di ba? kaya kong saluhin lahat ng sakit wag ka lang masaktan pero may mga bagay na hindi ko talaga kayang pigilan kaya eto ka ngayon nasasaktan. Wag mong sabihin na sana nawala na lang ang mga alaala mo dahil sa nangyari dati dahil ikalulungkot namin lahat iyon kapag kinalimutan mo kami. Makita ka pa nga lang namin nakaratay sa hospital bed ng  tatlong buwan parang pinapatay na kami paano pa kaya kapag nawalan ka ng alaala? Sa ngayon, hahayaan kitang gawin ang gusto mo…sige gawin mo ang dapat mong gawin para mapatawad ka nila pero kapag hindi ko na kayang makita kang nagmumukhang tanga….asahan mo ng kukunin kita at ibabalik sa New York kahit pa ayaw mo. You already have a new life Lorraine, a life with Jin. Huwag mo sanang kalimutan iyon. Alam nating lahat na dapat ay kasal ka na kay Jin dati pa kung hindi ka lang naaksidente dapat ay isa ka ng Archangel ngayon. Sana lang…sana lang kapatawaran lang nila ang gusto mo…huwag mo ng tangkaing ibalik ang nakaraan niyo ni BAD dahil wala ng patutunguhan iyon.”

Kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Oo, dapat matagal na akong kasal kay Jin kundi lang ako naaksidente nung gabi bago ang kasal namin at na-comatose ako ng ilang buwan…pwede naman ng ituloy yung kasal namin noon kaso mukhang hindi pa panahon dahil may biglang nangyari kaya hanggang nagyon hindi pa kami nakakasal.

“I know…I know…don’t worry, hindi kita pipigilan kapag dumating na tayo sa puntong iyon.” Sabi ko tsaka tumayo at tumayo na rin siya mula sa pagkakaluhod.

“okay. Take care of yourself Lorraine namamayat ka na at masama yan para sa kalusugan mo.” ngumiti naman ako sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.

“yes sir.”

“sige aalis na ako baka naghihintay na yung mga yun sa baba..alam mo namang mainip yung mag-ina ko”  nag-nod ako sa kanya at tumalikod na siya para umalis.

“Dwane…” nilingon naman niya ako na parang nagtatanong kung bakit ko siya tinawag.

“take care of Brea…alam mo namang parang anak na ang turin ko sa kanya diba? I know busy kayo sa negosyo ni Sunshine pero wag niyo sanang kalimutan na magulang na kayo…na may anak na kayo…if you only knew kung anong kalungkutan ang nararamdaman ng anak niyo kapag wala kayo. Maybe we’re here para pasiyahin siya but iba pa rin kung kayo mismo ang nagpapasaya sa kanya. Maybe she’s smiling when she’s with us but I know behind those smiles…there’s emptiness and loneliness she want to fill in and you with sunshine can only fill that space…your daughter laugh you so much to the point na isinasantabi na lang niya ang sarili niya para hindi siya maging sagabal sa negosyo niyo…hindi man nya sabihin alam kong nasasaktan siya…so please—“

“thanks for telling me that Lorraine…kaya nga kami nag-decide ni Sunshine na mag-leave muna sa trabaho because we want to spent some time to our child. Gusto naming bumawi sa kanya…malaki na ang kasalanan namin kaya nandito kami para magbayad…don’t worry, pinag-iisipan ko na ring pahintuin si Sunshine sa pagtulong sa akin sa trabaho para maalagaan niya si Brea.” Ngitian ko naman siya dahil sa mga sinabi niya…sinong mag-aakalang ganito pala siya maging isang ama.

Umalis na siya kaya ako na lang ang naiwan dito sa condo ko at dahil sa katahimikan ng paligid parang isinasampal naman sa akin ang katotohanang ‘past is past’

 .

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

tsaka na ang continuation ^______^

10/16/13

1:19am

E.N:DWhere stories live. Discover now