A Wedding Surprise

105K 850 21
                                    

Photo caption: The legit Ellen Estabillo :)

A Wedding Surprise

Sabi na nga ba at hindi siya matitiis ni Ellen. Agad itong nagpakita sa kanya para sabihin na nag-iba na ang kanyang isip at nagpasya na tanggapin ang kanyang wedding proposal.

Halos magtatatalon na siya sa tuwa, nawiwirduhan na ang mga taong napapadaan dahil sa pagbounce-bounce niya. Hinawakan niya ito sa mga kamay.

"Talaga, Ellen?" Niyakap niya ako. "God, Ellen, ako na ang pinaka-masayang lalaki sa buong mundo!"

Pinakawalan niya ang babae at hinawakan sa mukha. "Pakakasalan kita sa pinakamagandang simbahan, Ellen. Iimbitahan ko ang buong pamilya ko sa probinsiya, sila Erick... Hindi ka pa pa nga pala nakikilala ng barkada. Ito na siguro ang tamang panahon na makilala ka na nila-"

Masyadong naging mabilis ang pagsasalita ni Jude sa sobrang excitement nang pigilan siya ni Ellen.

"Jude," seryoso nitong sabi, "ang gusto ko lang ay isang tahimik na kasal. A civil wedding. Masyadong... Masyadong magarbo, magastos at matagal ang preparations for a church wedding, I can't wait that long."

Lalong napangiti ang lalaki at nilapit ang mukha dito. "My God, Ellen. Me too," he was almost breathless, "I also can't wait."

Hindi kagandahan si Ellen Estabillo, maliit lang ito na babae na may mahaba at kulot na buhok at morena pero wala siyang pakialam dito.

Halos isang taon na rin niya itong girlfriend at ewan pero nagustuhan niya ito dahil sa magkasundo sila sa lahat ng bagay. Pareho sila ng mga bagay na gusto at sa mga opinyon sa lahat ng bagay.

He was really thinking that they are not just compatible, but meant to be.

Kaya naman pagka-asikaso ng mga papeles, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Jude-- ang kasal nila.

Ito na yata ang pinakamasayang araw ni Jude. Ikakasal na kasi sila ni Ellen.

Nagkaroon na sila ng palitan ng "I Do" at kapansin-pansin man ang panay na pag-ubo ng babae at ang kakaibang boses ay binalewala na lamang niya.

Pero hindi niya mababalewala ang malalaman na sa ilalim ng belo ay ibang mukha ang kanyang masusumpungan.


The Set-Up Wedding [PUBLISHED BY PINK AND PURPLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon