PART 2: Part of Your World

919 28 6
                                    

There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. - Sarah Dessen, The Truth About Forever

 Daniella's POV

"GO! GO!Go Tristan go!"  napuno ng sigaw ng mga kababaihan ang buong gymnasium ng St. Dominic. Si Tristan ang may hawak ng bola at last three seconds na lang at pantay ang score. Halos dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Feeling girlfriend  kung kabahan?! piping sigaw ng puso ko. 

Wag kang feelingera girl!? Bestfriend ka lang. Kung kabahan daig pa ang gf? 

Excuse me? I don't like Tristan. He's- he's just a f-f-friend to me. piping sigaw ng isang bhgi ng utak ko.

Talaga lang ha? For pete's sake Daniella! How could you lie even to yourself? You have been in-love with him for years! Gaano katagal na  nga ba?

Three years. sagot naman ng puso ko.OMG! Bakit ko kinakausap ang sarili ko?? Urgh! Nababaliw na nga ata ako. It's all because of you Tristan. Nakakabaliw na lagi kitang kasama. Pero far out nga talaga na makita mo ako for the girl that I am. 

Siempre! Ilusyunada ka lang girl kung iisipin mo na mamahalin ka ng demigod na kagaya nya noh!? When the hell freezes over!

I know am crazy... "nababaliw na nga ata ako sayo Tri---"

"Kanino ka nababaliw Ella?"

Napamulagat ako mula sa aking temporary insanity hindi dahil sa may nagsalita malapit sa tenga ko kundi sa mainit na hiningang naglandas sa earlobe ko.

Oh my gosh sobrang lapit nun sa tenga  ko...parang hinahalikan na ako ng mga labing yun...At ang amoy na yun... very familiar.Nagiisa lang ang taong nagtataglay ng scent na yun.Ultimately male with hints of citrus. Pure male vitality oozing from those sexy pores.Whaat!? ano na naman ba  itong naiisip ko.Naghahallucinate ka na naman yata Daniella eh, kita mo na ngang yung taong iniisip mo ay hayun nga at naglalaro upang maipanalo ang championship..

"Ang championship!" Agad na napatutok ang mata ko sa baba upang tingnan kung mashoshoot ni Tristan ang bola.Gulat na gulat ako sa nakita ko. Ang mga bleachers ay halos malinis na at kokonti na  lang ang mga tao maliban sa mangilan ngilan na  tila nakatingin sa direksiyon ko.

"T-tapos na?" disoriented kong tanong sa sarili ko.

"Malamang Ella. Di pa ba obvious sayo?" nakasimangot na bungad ni Tristan sa akin.

"Pasensya ka na best ka kasi--"

" You're daydreaming about me again?" ang simangot ng binata ay napalitan ng nakakalokong ngisi.

Drat this man. Magkakaloose thread yata lahat ng hibla ng underwear ko dahil sa kanya! Did I actually said it out loud? Hope not!

"Of course not! Di pa ako nababaliw para magkagusto sa iyo Formoso." sinabayan ko ng tawa ang pagdedeny ko sa nararamdaman ko.

Of course he cannot possibly know that he was the object of my daydreaming! Over my dead beautiful body. Di talaga ako aamin! For Tristan I will always be just the "bestfriend". That harmless girl who'd take a bullet for him anytime.Just that.H.A.R.M.L.E.S.S. Yung tipong kahit na maghubad siya sa harap ko di ko siya magugustuhan. Akala lang niya yun!

"Oh space out ka na nman.Don't worry kahit di ka mahal nun mahal naman kita." nakakaloko ang ngiting sabi ni Tristan sabay hila sa kanyang kamay.

"Excuse me noh? Mahal kaya ako nun! Nakita ko nga na nagsmile siya sa akin bago siya nag three points kanina eh." tila kinikilig pang sabi ko sa kanya.Ewan ko kung imagination ko lang ba yun o nakita ko ang pagsama ng mukha ni Tristan bago agad na naitago ng kanyang maluwang na ngiti.

"Di ka din ilusyunada eh noh? Saang dreamland mo naman naisip na ikaw ang nginingitian ni Victor? Tara na nga!" tila inis na sabi ni Tristan habang di pa din binibitiwan ang kamay ko.

"Saan naman tayo pupunta?Hoyyy ano ba?" pinilipilit kong hilahin ang kamay ko mula sa kanya.Medyo marami na din ang nakatingin sa amin.

Alam kung madami ng mga die hard fans nya ang nakaismid sa amin.

Imagine nyo naman ang star player ng college namen kinakaladkad ako! Tulo-laway sila sa inggit hehe.Kaladkarin naman ako!Ayyy! hahaha.Ang landeee! 

"Arayyy! natagpuan ko na lang ang sarili kong nakalugmok sa lapag. Ano ba yan Daniella! Super lampa ko naman kasi.Kakakausap ko sa sarili ko di ko na nakita ang dinadaanan ko.Naglandas ang luha sa pisngi ko. Napaiyak na ako sa kahihiyang inaabot ko kapag kasama ko ang lalaking ito.

Tatayo sana agad ako when I felt a hand circled my waist and I was I was lifted off the floor. 

"F-formoso ano ka ba?A-anong ginagawa mo? Ibaba mo ko Tristan!" I shyly pushed him at the chest while ignoring the loud throbbing of my heart.My gosh parang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pagkakadikit namin. Be still my beating heart! Baka marinig pa ni Tristan ang tibok mo! 

"Ssshhh..You can't even walk at this situation.." mahinang bulong ni Tristan sa akin. Tila may malamig na kamay na humaplos sa akin ng marinig ko ang malambing niyang tono. Bihira lang kasi niya gamitin sa akin ang malambing na bedroom voice nya. One of the boys ako eh kaya ang haragan at palabiro niyang boses ang madalas kong marinig. Both voice I have memorized so well...

"San ba tayo pupunta? tila nalilitong tanong ko. Ngumiti lang si Tristan at nagpatuloy sa paglakad. I rested my head on his chest and smiled...

 Author's Desk: 

Thanks sa votes and commments guys! I really appreciate all your message and votes and likes and comments.Keep them coming! I know it took me a long time to update.Was so busy in the last few months. will try to give u guys UD every week.Pag ginanahan and nainspire ako it could be twice or more. Keep supporting my MBML dearies. love you all.

Chubby Chic

My Best friend, My LoverWhere stories live. Discover now