CHAPTER 6- PRANK'D

341 15 8
                                        

Nandito ako sa condo unit ni Saturn, manunuod daw kami ng movie..

"anong movie?" tanong ko sa kanya.

"the grudge" nagtatawa sya, as if naman na matakot ako, excuse me, di ako matatakutin.

At nagstart na nga ang movie, kumakain kami ng popcorn, wow ha, parang nasa sinehan lang..

Itong katabi ko oh, seryosong-seryoso.

Nasa part na nakakatakot na.

"booo" as expected, nagulat sya.

"hahahahahahah" tawang-tawa ako..

"bakit ka tumatawa?" tanong niya sa kin, habang kumakain ng popcorn,

"hahahahahahah"

"kadiri ka, nanlalaglag ang popcorn sa bibig mo, bakit ka kasi tumatawa?"

"eh kasi naman, natatawa ako, kung nakita mo lang expression mo kanina, EPIC. Parang tangahan lang, mukhang ewan, ahahahah"

"alam mo, hindi ko alam kung tao ka ba talaga, ang weird mo eh"

"may aaminin ako sa'yo" tumigil na ako sa pagtawa, poker face na.

Tumingin lang siya sa akin..

"ang totoo nyan, hindi talaga ako tao, isa akong alien galing ako sa planet dora" mukha syang nagulat, pero dapat hindi ako matawa.

"alam mo ba ang national anthem namin?"

Hindi parin sya sumasagot

"we did it, we did it we did it hooray ahahahaha" nakakatawa sya, naniwala sya sa joke ko. Hahaha, sakit sa tiyan..

"baliw ka, isa kang baliw" sagot niya, pikon na ata ito..

"pero aminin mo, kinausap mo rin si dora noon" sabi ko.

"ewan ko sa'yo di ka pa madeads" pikon na si mr. uto-uto.

"ahhhhhhh, i'm dying"

At nagtumba-tumbahan ako..

"hoy, Betchay, ano ba? Bumangon ka nga dyan, uupakan na kita" binabato niya ako ng popcorn..

Hahaha, kahit ubusin mo ang popcorn dyan, di ako babangon..

"hoyyyy" kahit sumigaw ka pa dyan. the answer is still no.

"hindi ka talaga babangon dyan ha" nagbabanta ba ito,

"ahhhhhhhhhhhh, malamig ang lamig lamig" nilagyan lang naman nya ng ice cube ang mukha ko.

"ahahaha, buti nga sa'yo" tawang-tawa sya.

"tawa-tawa ka dyan. Eto ang sa'yo" binato ko sa kanya yung mga ice cubes.

"betchay, ano ba?"

"ahahah, wala ka pala"

"isa" nagbabanta na sya.

"marunong akong magbilang, kahit makaisangdaan ka pa" sabi ko.

"humanda ka talaga sa akin" tumakbo na sya.

"wait" sabi ko sa kanya, itinapat ko ang palad ko sa kanya.

"joke lang naman yun, sorry na" ayokong tumakbo noh, madapa pa ako,. "sorry na talaga, magmamagic na lang ako para di kana magalit"

"kita mo to?" pinakita ko index finger ko.

"tignan mong mabuti to, in three seconds, magiging dalawa to"

1

2

3

^__^v nakapeace sign.

"commercial yun, eto totoo na talaga, promise" pumunta ako sa kitchen niya. At kumuha ng 1.5 liters na coke at 1 stick na mentos.

"after nito, mawawala ako bigla, pramis" sabi ko sa kanya. Tanga-tanga talaga nito, walang kamuwang-muwang.

Binuksan ko yung coke at inabot sa kanya yung mentos.

Lumayo ako sa kanya.

"ilagay mo lang lahat ng mentos dyan sa loob, ang plok, wala na ako bigla" sabi ko.

Hahaha, humanda ka Saturn, katapusan mo na,

Psssssssssssssssssssshhhhhhhhh..

Hahahaha, sumirit na yung coke, waw parang fountain.. siguradong basang-basa na sya ng coke ngayon.

At dali-dali akong tumakbo palabas ng unit niya..

"wahahaha, once an uto-uto, always an uto-uto."

------

"Acel, san ka?" tinawagan ko si Acel, pauwi na sana ako kaya lang pinigilan ako ng Gala Genes ko eh.

"sa bahay, bakit? punta ka dito?" wow, mindreader.

"okay lang ba? patambay ha" sabi ko.

And yes, close na kami ni Acel. Very good diba.

"okay lang, wait kita ah" reply niya.

"okay, actually andito na ko eh" sabi ko, andito na ko sa tapat ng gate nila.

"really? wait lang ha, bababa na ko"

"betsy" bati sa akin ni Acel, sabay yakap, ang sweet talaga nitong  babaeng ito.

Pumasok na kami sa loob.

"good mood ah, bakit?" tanong ko.

"syempre, kasi wala si Dylan" sabi niya.

Magkababata sila ni Dylan, So, simula bata pa hinahabol na sya ni Dylan.

"bakit mo alam?"

"sabi sa akin ni Mommy kanina, nagpunta daw yung family nila sa Hongkong, and sure ako na kasama siya" sabi niya.

"ayaw mo ba talaga kay Dylan? mabait naman sya saka gwapo" sabi ko.

"eww ha, hanggang kapatid lang tingin ko sa kanya"

"sus, hanggang kapatid daw"

"Bakit ba ayaw na ayaw mo Dylan?" sabi ko.

"eh ikaw, bakit ayaw na ayaw mo kay Saturn?" sabi niya.

"eh sa ayaw ko eh" sabi ko.

"yun din ang sagot ko, ayaw ko din"

"haha, kaya magkasundo tayo eh"

(pseudomity note: isa tong walang kwentang update, XD, pasensya na, final week this sem eh. kelangan magreview, at baka magsyntax error ang utak ko :)

-sino pong may suggestion para sa characters?

feel free to post comment, vote, and share na rin pag may time :)

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now