Love Is A Bitch Fan Fiction

225 14 6
                                    

Love Is A Bitch's Fanfic

MAGLALABAS LANG AKO NG FEELS DAHIL BINITIN AKO NI AUTHOR! HAHAHA HINDI AKO NAKATULOG KAGABI KAKAISIP KUNG ANONG NANGYARI KAY HYACINTH O KAY RUSSEL O KAY LIANNE AFTER NUNG CONFRONTATION! GUSTO KONG KULITIN SI AUTHOR NA MAGUPDATE NG SPECIAL CHAPTER KASO NAKAKAHIYA NAMAN KAYA AKO NA LANG ANG MAGSASATISFY SA SARILI KO. MWAHAHAHA!

SHORT MESSAGE FOR THE AUTHOR:

HI ATE MEMAE! MATAGAL MO NA AKONG READER! SILENT READER NGA LANG. KILALA MO KO, NOT PERSONALLY, THOUGH. BASTA PO WE TALKED FOR ABOUT TWO OR THREE TIMES SA TWITTER. HIHI BASTA FAN MO KO EVER SINCE NA PINAIYAK MO KO SA WHY CANT IT BE.

PS. I'm still waiting po for WCIB's part two book.

PPS. May forever ate. Yun yung support ko sayo. Hihi

ONE SHOT LANG TO HA. GUSTO KO ISANG BAGSAKAN E HAHAHA.

~~

Kung ang pagmamahal pala ang rason kung bakit ako mawawalan ng kaibigan, hindi ko na sana siya minahal.

Gustung-gusto kong maranasan yung may nag-aalala, nag-aalaga, nagmamalasakit, nagagalit sakin o nagseselos sa iba.. Yung tulad ng kila Lianne at Russel. Pero ni minsan hindi ko ginusto'ng mahalin ang boyfriend ng kaibigan ko.

Kung may kakayahan lang sana ako na balikan ang noon, baka ginawa ko. Dapat nagmatigas na lang ako. Kada mangungulit siya, hindi ko na dapat pinansin. Hindi ko na dapat pinatulan. Tangina kasi! Bakit sa lahat ng mamahalin ko, si Russel pa?

**

"Clinton. A-anong gagawin ko? Ilang linggo na 'kong hindi iniimikan ni Lianne. Clinton." Nanginig ang boses ko habang tinatanong ang lalaking kasalukuyang nakaupo sa sofa sa living room ng bahay ko. Nilingon niya ako at hinila palapit para yakapin. Napaiyak na lang ako.

Naiinis ako, simula ng gabing yun parang naging iyakin na ako. Ilang ulit kong pinagalitan ang sarili ko pero kahit talaga anong gawin ko, masakit. Nakakaiyak sa sakit.

"Magiging maayos din ang lahat, kaya tumahan ka na." Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. Humarap ako sa kanya.

"Hindi ka ba hinahanap ng lolo mo?"

"Lolo natin." Pagtatama niya. Inirapan ko na lang at tumayo para dumiretso sa kusina. Alam ko namang susundan niya ako dito. At tama nga ako. "Wala nang laman ang ref mo. Tara sa grocery store."

Hindi na niya inintay na makasagot ako dahil hinila na lang niya ako bigla hanggang sa nasa tapat na kami ng kotse niya. Ipinasok niya ako sa passenger's seat at nagtataka akong lumingon sa kanya. "Ikaw ang magdadrive?" Tinitigan niya lang ako bago sinara ang pintuan sa gilid ko. Tignan mo to, bastos.

Nasagot lang ang tanong ko ng makita kong nakaupo na siya sa driver's seat. Agad niya rin namang pinaandar ito at tumahimik lang ako hanggang sa nakarating na kami sa malapit na mall.

Pagkababa ko ay siya ring pagbaba ng babae sa katabi ng kotse ni Clinton. Natigilan ako. Gusto kong banggitin ang pangalan niya pero alam kong wala akong karapatan. Tinraydor ko siya. Nagtitigan lang kami hanggang sa narinig kong may nagsalita. "Lianne tara na manonood pa tay—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya kaya napalingon ako. Russel.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa hilahin ako ni Clinton papasok sa loob ng mall. Tahimik lang ako habang naglalakad.

Nagkabalikan na pala sila. Masaya ako para sa kanila pero nasasaktan ako para sa sarili ko. Medyo umasa kasi ako. Medyo lang naman, na baka kahit kaunti, o kahit katiting lang may naramdaman si Russel para sakin. Na baka hindi lang ako sa aming dalawa ang nakaramdam ng mga malilikot na paru-paro sa tiyan, o ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso kapag magkasama kami.

Love Is A Bitch (FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon