02

125 8 14
                                    

JOHN's POV

Ilang araw na simula nang maging kami ni Xhiao. Oo aaminin ko naging masaya ako nung sinagot niya ako. Pero there's a part in me doubt kasi baka sinagot niya lang ako dahil baka dala lang ng pagkakabreak nila ng boyfriend niya, isama mo pa yung tanong sa isip ko na mahal niya nga ba talaga ako?  Kasi ako hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na mahal niya na ako, na may gusto siya sa akin pero hindi ko pa nasisiguro.

Sana MAHAL niya talaga ako, sana worth it yung pag hihintay ko sana siya na yung hinihintay ko. Nagka-girlfriend ako bago maging kami ni Xhiao alam niya yan, pero nag hiwalay din kami kasi sila din ng tropa ko. Nahuli ko siya na katext niya yung girlfriend ko at nag a-i love youhan sila sa isa't-isa. Sino ba namang tanga ang hindi makikipag break pag ganun?! Isama mo pa na tinalo ka pa ng tropa mo.

Yun yung masakit dun e, nag mamahal ka nga nagagawa ka pang saktan. Ano bang masama pag nag mahal ka? Wala naman di ba? Nagmamahal lang naman ako e, ang gusto ko lang mahalin lang ako ng taong mahal ko pabalik. After nun na pag desisyunan ko na si Xhiao na lang ang hihintayin ko, na kahit gaano pa katagal handa akong maghintay para sa kanya.

Kaya ayun nag bunga naman siya. Pero hindi pa ako pwede magpakita sa kanya.

XHIAO's POV

Ilang araw, linggo na simula nung naging kami ni John, naging masaya at okay ang takbo ng relasyon namin pero tuwing yayayain ko siyang magkita kami lagi niya akong tinatanggihan, sguro bata pa ako para pumasok sa relasyon pero eto ang nagpapasaya sakin eh.

Alam niyo ba kung bakit? Kasi sa bahay namin, hindi ako ganun ka close sa pamilya ko yung tipong pag nasa bahay ako may sarili akong mundo. At yung bunso ko lang na kapatid ang kasundo ko, simula nung nalaman ko yung tungkol sa tatay ko parang dun na lumayo yung loob ko sa kanila. Kasi sinasarili ko yung problema kaya hinahayaan ko na lang na tumahimik ang sarili ko.

Hindin naman kasi perpekto ang pamilya ko, at hindi din lahat ng pamilya perpekto lahat ng pamilya may problema pero para sakin tinatago ko na lang sa ngayon ako pa lang ang may alam, alam ko dadating ang panahon na malalaman at malalaman din nila kung ano yun pero hindi pa ngayon.

Sa tuwing pumapasok ako sa eskwelahan hindi maiiwasan na mabully ako, siguro dahil mas nakaka-angat sila sa akin. (Private School kasi ako nag-aaral) Tingin nila sa sarili nila ang taas taas nila, pag nakaharap ka ang bait bait nila pero once na tumalikod ka kung anu-ano na ang sinasabi sayo. At sa loob ng dalawang taon pinag tiyagaan kong makisama sa kanila, kasi ano naman mapapala ko kung palalakihin ko pa yung mga bagay bagay db? Kaya hinayaan ko sila sa gusto nila.

May time na ang requirements namin sa isang subject ay diary. Kung saan ko isinusulat ang mga pang bubully sakin ng mga kaklase ko araw-araw, mga pangyayari tungkol sa buhay ko. Walang ibang makakabasa nun kasi ako lang may alam kung anong password nun.

Habang tumatagal mas nahuhulog ako para kay John, hindi ko din marawi kung bakit? Kasi halos lahat ng oras at atensyon niya na sa akin. Hindi alam nang magulang ko na may boyfriend ako, hindi nila alam kung nasasaktan ako at kung kailan ako umiiyak ng patago.

Tingin kasi ng ibang tao sa akin palaban, matapang, malakas yung personality, hindi basta basta mapapaiyak, matatag ang loob, masayahin. Yan ang tingin nila sa akin pero ang hindi nila alam na sa loob loob ko sobrang nasasaktan at nag sasawa na ako sa ginagawa nila sa akin. Kahit na mahaba ang pasensya ko, minsan kailangan ko ding habaan pa lalo. 

--

1st monthsary na namin ni John, tinext ko siya exactly 12:00 ng April 12, 201* Bale isesend ko na lang kasi nakaready na din naman yung message ko para sa kanya ateto ang laman.

"Hi Dhie! Happy 1st monthsary sa atin. Thank you kasi nung mga panahon na kailangan ko nang sandalan, ikaw lagi ang nandyan sa tabi ko hindi man literal na katabi pero ikaw ang naging sandigan ko, naging lakas ko. Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin, salamat kasi hinintay mo ako kahit inabot pa ng 3 buwan. Dumaan ang pasko, at bagong taon na ikaw ang nakakausap ko, na ikaw ang unang bumabati sa akin. Sa bawat simpleng pagbati mo napapangiti ako. Lalo na nung naging tayo dhie, simula pag gising sa umaga, walang mintis na goodmorning message mula sayo hanggang sa pag tulog. Salamat sa pag mamahal na ibinigay mo, salamat kasi hinyaan mo ang puso mo na mahalin ako. Salamt dhie, mahal kita! Kahit na napaka moody kong tao iniintindi mo ako. Salamat! Happy 1st month dhie, I love you. :) ♥

Love,
Mhie ♥"

JOHN's POV

1st monthsary namin ni Xhiao, isesend ko na sana sa kanya yung text ko pero naunahan niya ako, habang binabasa ko yung laman ng text niya, kinikilig ako! Hahaha. Hindi naman siguro ipinag bawal na kiligin kami ano po? Pag katapos kong basahin ang text niya sakin, tinextt ko muna siya nang 

"Mhie, ang daya mo naman, naunahan mo ako e. Haha. Eto na yung sa akin. Send ko after :*"

"My one and only Xhiao, my mhie, my love of my life, my superwoman. Happy 1st monthsary po sating dalawa. Naks naman parang naka isang taon na tayo e nu? Pero eto na mhie ko, salamat kasi tinanggap mo ako kahit hindi mo pa ako nakikita, kahit na ako na ata ang pinaka pasaway na boyfriend mo. Haha! Pero wag kang mag-alala mhie andito lang ako lagi para sayo, isang text mo lang sakin tuwing kailangan mo ako mag rereply agad ako. Sorry kung lagi kitang tinaanggihan tuwing inaaya mo ako makipag kita ha? Wag kang mag-alala bago tayo mag 2nd monthsary makikipag kita na ako sayo. Pero sa ngayon, sorry kung hindi tayo makakapag celebrate ng magkasama ha? May gagawin kasi ako ngayon. Salamat sa laging pag-intindi mo sa akin mhie! I love you so much. :*"

Audition Lovestory [ON-GOING]Where stories live. Discover now