Problem 15 : What happened?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sino ba talaga ang anak mo Misis Kreiss?" iritableng buwelta ni Voice.

"Gusto ko kayong dalawa. Di ba pwede naman yun?" sabay hagikgik ng nakakatandang Kreiss.

"I cooked that for you." nginuso ni Gig ang linutong omelet. Maayos ang presentasyon at mukhang gawa ng isang marunong magluto.

"Omelet lang naman ata kaya mong lutuin eh."

"My brother lets me cook what he wants to eat." sagot ni Gig.

"Pumasa naman ba naman sa kanya?"

"My cooking is his favorite."

Hindi pa rin naniniwala si Voice pero nang sinubo niya ang linutong omelet ni Gig ay nagulat siya sa masarap na lasa nito.

"O ano? nasarapan ka noh? Tinikman ko rin yung luto niya kanina. Perfect! Gwapo na, marunong pang magluto anak!" sulsol ng Ina ni Voice.

"Oo na. Masarap na."

Ngumiti lang si Gig. Hindi maitago ni Gig ang ngiti habang pinagmamasdan si Voice na nasasarapan sa linuto niya. Pagkatapos nila ay nagprisenta ang Ina ni Voice na maghugas habang naligo na si Voice. Lingid sa kaalaman ni Gig ay

natutuliro ulit si Voice kung ano ba ang susuutin at kung ano ang gagawin niya kapag sila na lang dalawa ni Gig sa kotse nito. Kung hindi pa panay ang pagpapaalala ng Ina nito na mahuhuli na sila ay hindi sana natapos sa pag-aayos si

Voice.

"You look quite nice." halatang gustong asarin ni Gig si Voice.

"Nice lang?" maktol naman ng dalagang halos ubusin ang oras sa pag-aayos.

"You look pretty everyday naman."

"Tse! Lokohin mo lolo mo. Tara na nga." padabog na nagtungo sa pintuan si Voice at sinundan na lang ito ni Gig. Nang narating na nila kung nasaan naka-park ang kotse ni Gig ay nagmamadaling pinabukas ni Voice ang pintuan at sumakay

kaagad sa bandang likuran. Dahil dito ay tumayo lang si Gig sa tapat ng pintuan kung nasaan nakaupo si Voice. Pagkalipas ng ilang sandali ay ibinaba ni Voice ang bintana at tinitigan ang tahimik na si Gig.

"Tara!" utos ni Voice.

"We are not leaving until you sit in front with me." diin ni Gig.

"Eh di mag-cocommute na lang ako." lumabas ng kotse si Voice at maglalakad na sana nang binuhat siya ni Gig at sapilitang isinakay sa tabi ng driver's seat. Nagpupumiglas pa si Voice ngunit mabilis na nailagay ni Gig ang seatbelt nito

at patakbong nagtungo sa driver's seat pagkatapos. Mabilis ding nailock ni Gig ang pintuan bago sinimulang paandarin ang kotse.

"Bakit ba ang hirap mong pasakayin?" naiinis na tanong ni Gig.

"Hoy! Lalake lumalabas ang pagkasuplado mo." asik naman ni Voice.

"That's what you liked about me at first di ba?" buwelta ni Gig.

"Aba! Isa iyong malaking kamalian ko-"

Natigilan si Voice nang biglang inilapit ni Gig ang mukha niya sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ni Voice na gustong umatras ngunit pinipigilan siya ng seatbelt.

"Ba-bawal yan."

"I'm not going to kiss you. Ano ka sinusuwerte?" sarkastikong sagot ni Gig.

"Bakit ba nakakainis ka!" bulyaw ni Voice.

"You like me this way right?"

"Dati yun. Gusto ko may challenge dati pero-"

"Ano ba talaga gusto mo? Feeds na lumalapit sa iyo oh." ngumisi pa si Gig.

Love CalculationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon