Flashback

37.5K 1.2K 152
                                    

"Miss Montiel! Hindi ka na naman nakikinig sa'kin?! Nagbabasa ka na naman siguro ng mga fiction stories ano? Anong napapala mo d'yan ha? Isa ka na nga sa mga bagsak noong nakaraang exam, harap-harapan mo pa akong babastusin habang nagkaklase ako?! Go out!"

1 year ago...

Her:

Narinig ko ang mga tawanan ng mga kaklase ko sa'kin.

"Napaka-hopeless romantic ni Jaimee" - tatawa-tawang sabi nung iba habang tumatayo ako habang nakatungo

"Wala kasing patutunguhan yung buhay n'ya kaya sa wattpad na lang binabawi" - napapatawang sabi ng isa ko ring kaklase

"Sabagay, sino bang tao ang iibig sa isang katulad n'ya?" - narinig ko pang bulong nung isa pero wala akong nagawa kundi dali-dali na lamang maglakad para makalabas ng room

"Ma'am, nagwawattpad din ako!" - narinig kong sabi ni Leona kaya napatingin ako sa kanya

Pinakita pa n'ya yung hawak n'yang cellphone habang pinipigil ko ang mga mata kong tumulo ang luha.

"Hindi Leona. Ayos lang sana kung ikaw. Matataas naman ang nakukuha mo. Pero tingnan mo naman ang ginagawa ni Miss Montiel? Harap harapan akong binabastos! Kung s'ya kaya dito? Anong mararamdaman n'ya kung makikita n'yang hindi nakikinig sa lesson yung isang estudyante n'ya?" - Ma'am

Nagdirediretso na lang ako papalabas ng room. Pagkasara ko ng pinto, doon na ako nagsimulang mapaiyak. Ayaw tumigil sa pagtulo ng luha ko. Sinabayan pa ng sipon ko. Pero wala akong paki kung maghalo ang sipon at luha ko sa mukha ko.

Sa tanang buhay ko... ngayon lang ako pinahiya ng isang teacher. Oo, alam kong mali ako... pero kasi--

"Baka gusto mo ng panyo?"

Napatingin ako sa panyong puti na inaabot nung taong nagsalita.

"Bigay at gawa ito ng aking ina" - dagdag pa n'ya

Tiningnan ay yung nagsalita. At dahil puno ng luha yug mata ko, di ko maaninag masyado yung mukha n'ya. Pero ang alam ko lang, isa s'yang lalaking mukhang gangster. Kung bakit ko nasabi? May piercing kasi s'ya sa may isang tenga tapos yung way n'ya sa pagtayo, parang... mananapak.

Lalo tuloy akong naiyak kasi baka sapakin ako.

Pero hindi ko alam kung bakit... tumigil yung pag-iyak ko nung bigla n'ya akong niyakap ng sobrang higpit, "H'wag ka nang umiyak... Nasasaktan ako"

Hindi ko alam pero nagsimula na naman akong umiyak. Siguro dahil napaka-kalmado ng kanyang boses nung sinabi n'ya yun. Siguro din dahil... nakaramdam ako ng sincerity sa bose n'ya... na parang nasasaktan nga s'ya.

Hanggang sa naramdaman ko yung paghaplos n'ya sa'king buhok, "Gusto kong maging... wattpad author... Gusto kong maging katulad ni HaveYouSeenThisGirL. Gusto ko makapag publish ng libro... para lahat ng tao, hindi na ako tingnan ng mababa"

(Short Story) Loving JWhere stories live. Discover now