Ito yung pangalawang jeep na sasakyan ko ng matagal. Mga 30-45 mins depende pa sa traffic

Tinignan ko ang oras dahil baka late na ko.

7:15 am

Maaga pa. Di pa ko late

Nag hintay ako ng ilang minuto at may jeep na. Sumakay na ulit ako at umandar na.

Buti nalang at di ganon kadami ang tao sa loob ng jeep na nasakyan ko. Dahil ayoko ng punuan.

Maya maya pa ay bigla itong huminto sa kalagitnaan ng pamamasada.

"Manong bat po kayo huminto?" tanong nung isang pasahero

"Nahiraan po tayo. Ibabalik ko nalang yung mga binayad nyo at mag hanap nalang kayo ng bagong masasakyan" sabi ni manong at lumabas na para tignan yung sira.

pano na to?

Anong masasakyan dito sa kalagitnaan ng high-way?

7:30 am.

Shet. Baka malate pa ko neto

"Ah manong? San po sakayan dito?" tanong ko

"Duun pa ineng. Mag lalakad ka pa" sabi nya sabay turo kung saan ako makakasakay

"Ganun po ba? Sige po" sabi ko at nag lakad na

Napabuntong hininga nalang ako sa paglalakad. Dahil alam kong medyo mahirap na sumakay sa ganitong oras dahil sa mga papasok sa kanilang trabaho.

Nakarating na ko dun sa pinag hihintayan ng jeep at nagulat ako sa dami ng mga nag hihintay

pano ko makakasakay neto?

Nakita ko pa yung mga ibang jeep na nilalagpasan kami dahil sa punuan na sa loob.

Ilang minuto pa ay may dumating na di gaanong puno na jeep kaya tumakbo ako papunta dun ganun din yung nga ibang tao.

Kaso sa kasamaang palad ay natalisod at natulak ako kaya lumagapak ako sa sahig

"A-aray" mahinang daing ko. Pinagpag ko yung tuhod ko pero nakaramdam ako ng hapdi. Tinignan ko yung tuhod ko at dumudugo ito dahil may sugat

napaka swerte ko nga naman

Napabuntong hininga ako at bumalik na hintayan ng jeep.

Dumating na ang ilang minuto at wala parin akong masakyan na jeep.

7:50 na. Wala parin akong masakyan shet.

Di ko na alam yung gagawin ko dahil malelate na ko. Traffic pa.

40 minutes nalang start na ng klase

Di naman ako makapag book ng grab dahil wala ako nung app na yun.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ko

*Eliana is calling*

"Hello?"

Eliana : "Hello! Asan ka na?"

"Nag hihintay ng jeep"

Eliana: "Ah sige. Andito na ko sa school"

"Sige. Pag mga 8:15 wala pa ko mauna ka na ah. Wag mo na kong intayin"

Eliana: "Bakit?"

"Mahirap makasakay ng jeep. Walang masakyan, laging punuan. Traffic pa."

Eliana: "Gusto mo sunduin kita?"

Chasing That NerdWhere stories live. Discover now