Chapter 01

2.9K 119 4
                                    

DISCLAIMER!

This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---
Lucille's POV

"Lucy! Kelan ba tayo mag eenroll?" biglang tanong ni Eli habang nanunuod kami ng tv.

Biyernes ngayon at dumalaw dito sa bahay si Eli para pag usapan namin yung gagawin namin sa enrollment.

"Hmm.. Sa monday. Tas agahan natin"

"Sige sige. Excited na koo hihi" tuwang tuwang sambit nya

Tinawanan ko lang sya at bumalik na sa panunuod.

"Bukod dun sa scholarship na inapplyan mo sa munisipyo? At dun sa school na papasukan natin. Mag hahanap ka pa ba ng iba?" pag basag nya ng katahimikan dahil tutok na tutok kami sa pinapanuod namin

"Oo naman. Balak ko nga mag varsity pero kung di papalarin. Yung sa dance troupe o kaya ibang activities. Balita ko eh may discount daw sa school pag sumali don." pag papaliwanag ko

"Ahh. Sige sige support kita" masiglang sambit ni Eli.

Masaya ako at may kaibigan akong tulad ni Eli. Lagi nya kong sinusuportahan sa mga ginagawa ko.

"Nak! Baba na kayo dito ni Eli! Kakain na" pagtawag ni mama sa baba.

"Tara na. Kakain na daw" pag aaya ko.

Pinatay na namin yung TV at bumaba na para kumain.

"Oh iha, kain na kayo. Nagluto ako ng favorite mo at ni Lucy na sinigang" masayang sambit ni Mama.

"Owemjii tita! You're da best talaga!" tuwang tuwa na sabi ni Eli.

Umupo na kami sa lamesa at kumain na.

"Oh Eli, kelan kayo mag eenroll ni Lucy?"

"Sabi po ni Lucy tita eh sa lunes daw po"

"Ah ganun ba? Gusto nyo samahan ko kayo ni Lucy?"

"Nako ma. Wag na. Kaya na namin ni Eli yon. Magpahinga nalang kayo dito sa bahay." pangongontra kong sabi

"Oh sige. Basta tawagan niyo pang ako pag may kailangan kayo hah?"

Tumango nalang ako bilang sagot.

Masaya kaming kumain sa hapag kainan at nag kwentuhan ng kaunti. Pag tapos kumain ay umakyat na agad kami sa kwarto ko.

"Tara lucy bili na tayo ng mga gamit ngayon" pag aaya ni Eli

"Ang advance mo naman bumili. Ang aga aga pa. Saka kulang pa yung pera ko pang bili ng gamit"

"Mas okay ng advance para di tayo maubusan no! Saka don't worry, aabonohan ko muna kung kulang . Saka mo nalang bayaran pag may budget ka na"

"Sige na nga" napabuntong hininga kong sagot

Kilala ko tong si Eli. Mangungulit at mangungulit yan pag di mo pinagbigyan hanggang sa pag bigyan mo nalang siya

Nagbihis na ko ng pang alis. Nag palda ako na nude brown na hanggang lagpas tuhod at nag plain white tshirt lang at sandals. Sinuot ko na rin yung salamin ko at binuhaghag ko nalang ang aking buhok.

Chasing That NerdWhere stories live. Discover now