Chapter One

161 9 6
                                        

"Wahh!!! I love you Marc!"

"Ang Gwapo mo!"

"Shaks! Ang galing mo talaga mag basketball Marc!"

Nakakarindi na sila pero hindi ko parin mai-alis ang tingin ko sa pinaka gwapo, matalino, mabait, at talented na si Marc Lorenzo. Ang ultimate crush ko.

Hindi ko alam pero sa unang taon ko dito sa Knight National Highschool, siya agad yung nakahuli ng puso ko. Corny man pakinggan pero yun naman kasi yung katotohanan. Tatlong taon na akong may gusto sa kaniya pero siyempre sa tatlong taon na yon ako lang at yung bestfriend ko ang may alam. 

Ako si Maryel Hillary Linzaga 16 years old, 4th year student sa isa sa pinaka magandang school sa buong Pilipinas ang Knight National Highschool at nagpapakatanga para sa isang taong malabo naman akong magustuhan.

Okay, back to reality. 

Kasalukuyan akong nanonood ng laro ni Marc sa gym ng school namin. Ewan ko ha pero grabe ang galing niya talaga mag basketball. Yung parang kahit sino kalaro niya siya parin talaga mananalo. Yung parang kinakaibigan niya muna yung ring at sinasabing "wag mo ipapasok yung bola kapag kalaban yung mag sho-shoot ha?"  bago mag simula yung laro. Pero syempre hindi ganun yun, sadyang magaling lang talaga siya mag basketball.  Kung meron lang din akong enough courage na ipagsigawan at i-cheer si Marc katulad ng mga pagkaiingay na babae dito ay ginawa ko na. 

"Hoy Maryela" nagulat ako nang may biglang tumabi sakin. 

Si Kean lang pala. 

Siya yung tinutukoy ko sainyo kanina na kaibigan ko. At siya lang ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung introvert ako pero ayoko talaga makipag socialize sa iba. Kasi parang pagnakikipag-usap ako sa kanila eh hinusgahan na nila yung buong pagkatao ko. So baka introvert nga ako.  Well, simula din kasi elementary kasama ko na 'tong unggoy na 'to.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya kasi wala naman siyang interest sa panonood ng basketball or kahit na mag laro ng basketball. 

''Wow ang taray! Bakit? Bawal ba ako manood? Iyo ba 'tong gym?'' sabi nya sakin at tinaasan pa ako ng kilay.

''Ang Pilosopo mo talagang hayop ka! Nagtatanong lang eh!" sabi ko at nag eye roll. Hobby na talaga niyang asarin ako eh! Nakakainis!

Pinisil naman niya ang pisngi ko at tumawa "Joke lang HAHAHA nainis ka naman agad''

"Wag mo nga akong hawakan! Ang dumi mo!" Tinapik ko yung kamay niya na nakapisil sa pisngi ko. Pisteng yawa talaga 'to. Nag cconcentrate ako ditong pagmasdan yung perfect na mukha ni Marc 'tas manggugulo siya.

''Ang kapal ng mukha ha? Sino kaya satin dalawang beses lang maligo sa isang linggo?" Inirapan ko nalang siya kasi wala naman akong time makipag bardagulan sa kaniya ngayon.

"Ano ba yan! Panget mo kausap! Pinapabigay lang talaga 'to ni Ma'am Hannah!" inabot niya sakin yung papel na hawak nya at nag make face sakin at umalis na. Hay salamat naman at magkakaroon na ako ng kapayapaan dito.

Ano naman kaya 'to? 

Tiningnan ko yung nakasulat sa papel at nakalagay dun na kaylangan ko daw pumuntang guidance office mamaya. Ha? anong ginawa ko? May ginawa ba ako? Wala nga akong ginagawa eh.

*RIIIINNGGGGG

Napatingin naman ako sa court at hindi ko napansin na last two minutes na pala yung game nila. Halos lahat ng tao nagsi-tayuan na at napatayo na din ako dahil sa excitement. 65-66 ang score, ang nakakaloka ang team pala nina Marc ang 65 points. Hala! Napa fingers cross nalang ako dahil one minute nalang ang natitira. Napasigaw ako ng ipasa nila ang bola kay Marc. Mabilis syang tumakbo at sobrang bilis ng heartbeat ko ng ishu-shoot na niya ang bola.

First StarWhere stories live. Discover now