Anghel sa Lupa (ONE-SHOT)

16 2 1
                                    



Hi! This isn't boy x boy story. Basta isipin nating lahat na babae si Jeonghan dito at si Hoshi, syempre ang lalaki.


Hoshi

Hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi nilang may babaeng hindi makabasag pinggan, yung tipong mahinhin, hindi pumaparty, hindi humahalakhak, hindi magaslaw, hindi malaswa magsuot ng damit at pino kung kumilos, sa panahon ngayon? Wala na!!

Wala na talaga!

Wala na, nagiging wild na, lalo na siguro kapag nakita mo akong sumayaw? Bawat giling ko, paniguradong maglalaway ka. Kapag tumitig ako sa'yo, baka mahimatay ka! lalo na siguro kapag ngumiti pa ako, eh papaano kapag nahawakan pa kita? Malulusaw ka kaya? Pasensya na pero, hindi mo ako makukuha. Reserved na kasi ako sa kaniya. *kamot ulo*

Akala ko wala na ang mga ganong klaseng babae, pero nagkamali ako, meron pa pala. Ay mali, hindi pala siya babae, dahil isa siyang anghel.

Napakahinhin, ang sarap-sarap pakinggan ng mga tawa niya, may ingat ang bawat kilos niya, desente kung manamit.. at higit sa lahat napakaganda niya ...

~~~

"Hoshi, ano ba ang ideal girl mo?" Tanong nang isang babae na nanunuod ng practice namin, ewan ko ba bakit nandito to? Ay nagbigay pala siya ng tubig sa akin, at bilang ganti, kailangan ko siyang i-entertain.

"Uhm, yung hindi makabasag pinggan?" sabi ko sabay inom ng tubig, ngumiti si ate.

"Ah, parang ako?" sabay impit na tawa nilang magbarkad.

"Ay hindi miss, hindi ikaw... salamat sa Tubig" binigay ko sa kaniya ang bote ng tubig at saka bumalik sa pagpractice.

"Wag ako ate..." bulong ko.

"Ano binubulong mo diyan Hosh?" tanong ni Jun.

"Wala naman, nagtatanong kasi yung mga yun kung ano daw ideal type ko. sabi ko yung hindi makabasag pinggan... eh kilala ko yun eh, girlfriend yun nung captain ball, mamaya madale pa ako pag pinatulan ko yun"

"Talaga? Kaya ba wala ka pang nagiging girlfriend? Naghahanap ka ng mahinhin na babae?" natawa siya.

"Ah hindi ko alam eh, pero actually Jun, sawa na ako sa flirt flirt eh, gusto ko yung seryosohan, yung pang matagalan..." sabay akbay kay Jun, lumayo naman siya.

"Pare naman baka iba na type mo?"

Pinitik ko tenga niya.

"Gago! Ewan ko sayo!"

"Goodluck kung makakakita ka niyan!" Sabi niya pa.

"Oo, papakasalan ko na agad, tapos gawa na agad ng baby ganun! Tandaan mo Jun, Naega Hosh!"

"Sige, ipagdadasal kita kay Lord pati na rin kay Buddha!" saka niya pinindot ang play button at nagsimula na kaming magpractice.

"Hyung! Hyung pasensiya na late kami ni Dino!" humahangos na dumating si The8 at Dino.

"Eh lagi naman kayong ganiyan! Alam niyo na gagawin niyo ah.. kayo maglilinis dito! Mga laging late!" Sabay hampas ng dala ni Dino na Cartolina sa kanila.

"Bukas kapag nalate kayo, lilibre niyo kami sa buffet ah, mga ano kayo eh! Practice na!"

Kinabukasan...

"Class, we have a transferee here, halika hija!" Tawag ni Ma'am dun sa transferee daw namin, sa kalagitnaan ng school year niya pa talagang naisip magpatransfer ah, at babae!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Anghel sa Lupa (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now