Epilogue

35.3K 817 39
                                    

"DEVON!!!"

Nagising si Devon dahil sa sigaw ni Kylie. Napabangon siya at tinignan ito.

"Yes wife?" tanong niya dito. Malaki na ang tiyan ni Kylie at kabuwanan na nito.

They already married after their so called date and advance honeymoon.
Gusto na kasing makasal ni Kylie bago pa daw lumaki ang tiyan nito. Napangiti siya ng maalala ang kasal nilang dalawa. Hindi niya makalimutan ang itsura ni Kylie habang suot nito ang pinapangarap na wedding gown. Napakaganda nito. Hawak-hawak ito ng papa nito na si Marco na ngayon ay nagising na mula sa pagkaka comatose. Naka angkla ang braso ng magiging asawa sa braso ng ama nito habang hinahatid ito papunta sa kanya. Para sa pag-iisang dibdib nila.

"Manganganak na ako Devon!" sigaw ni Kylie na ngayon ay namimilipit na sa sakit.

Sandaling napatulala  si Devon sa sinabi ng asawa.

"WALANG HIYA KA DEVON! Ano tutunganga ka nalang ba diyan? Dalhin mo ako sa ospital! ARAAAY!!!"

Agad namang nabalik sa reyalidad si Devon at dali-daling nagsuot ng pants saka at T-shirt. Kinuha niya din ang nakaprepare ng bag na may mga gamit ni Kylie at baby nila sa oras na manganak ito. Lumapit siya sa asawa at binuhat ito.



"Ano ba kuya?! Pwede umupo ka? Relax lang okay?" saway ni Angel kay Devon.

Hindi kasi ito matigil sa pabalik-balik na lakad nito. Naiinis kasi siya. Dahil ayaw siyang papasukin ng doktor sa loob ng delivery room ayon narin sa bilin ni Kylie na huwag itong papapasukin. Ayaw siya nitong makita at ang gusto nitong makasama sa panganganay ay ang kapatid niyang si Stone.

"Sh*t! Ako dapat ang kasama niya sa loob. I'm his husband and the father of my baby." sigaw nito sabay gulo ng buhok.

"Hayaan mo na nga lang si ate Kylie. Isa pa, si Stone ang mas gusto niyang kasama habang nanganganak kesa sayo. Intindihin mo nalang kasi nga buntis diba?" sabi pa sa kanya ni Angel at tinap ito sa balikat.

"Ano ba kasing ginawa mo kuya? Kaya mainit na naman ang ulo sayo?" tanong pa nito.

Napailing nalang si Devon habang inaalala ang nangyare kanina para sa dalhin ito sa ospital.

Sa sobrang taranta niya kasi kanina ay naiwan niya pa ang susi sa loob ng bahay. Naalala niya lang ito ng maisakay niya sa kotse si Kylie.

"F*ck" mahinang bulong niya. "Nakalimutan ko ang susi ng kotse."

"WHAT?!" sigaw naman ni kylie. "CURSE YOU TO HELL DEVON-AHH!" hiyaw ulit nito. "Ano? May balak ka bang kunin ang susi?! Ikaw kaya ang manganak!"

Wala na siyang nagawa kundi ang tumakbo papasok ulit ng bahay.

"Magiging maayos din siya anak." sabi ni mama nito sa kanya.

"Be ready son, magiging ama ka na.." sabi sa kanya ng ama.

"Alagaan mo sana ang anak ko pati na ang magiging apo ko Devon." sabi ni Marcoa. Ang ama ni Kylie.

" SHIIIIIIT! AYOKO NA!!!"

Lahat sila ay napatingin sa labas ng delivery room at nakita si Stone. Magulo ang buhok nito, halos gusot na din ang damit nito, pawis na pawis at napakaputla.

"What happen brodah?" tanong ni Angel.

"Kumusta ang anak ko Stone?" tanong naman ng ama ni Kylie.

"Si Kylie kumusta?"

"Babae ba o lalaki ang apo namin?"

"Sinong kamukha?"

"Pwede isa-isa lang?" inis na sabi ni Stone.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang ginahasa ng sampung babae." ani ni Angel.

"Takte yan! Halos patayin na ako ni Kylie sa loob. Bawat ba naman ire niya kinakagat ako. Pati tuloy ako napapasigaw! Gusto ko ngang sapakin yung doktor kanina, wag daw akong maingay. Eh, kung siya kaya ipakagat ko kay Kylie kong hindi siya sumigaw?!!!" mahabang paliwanag nito. Pareho naman silang natawa sa sinabi nito.

"Be thankful kuya at hindi ikaw ang nasa kalagayan ni Stone." sabi ni Angel.

Napangiti nalang ng lihim si Devon. Tama nga naman si Angel. Kasi kung siya ang nasa loob ay siguradong magiging katulad niya din ang itsura ni Stone. But still his the husband.

"So, babae ba o lalaki ang apo ko?" tanong ng mama nila. Lahat sila ay nag-aabang sa sasabihin nito. Tumikhim na muna ito bago nagsalita.

"Actually guys..." dumako ang tingin nito kay Devon na halatang kinakabahan.

"Ang galing mo bro! Nakadalawa agad kayo!" sigaw nito.

"OMG! You mean twins?" tanong ni Angel.

"Yep. Babae at lalaki." sagot ni Stone.

Tinapik ni Ricardo ang balikat ni Devon.

"I'm proud of you son. Tatay ka na."

"Take care of them hijo." sabi naman ni Marco.

"I will." sagot ni Devon.

Halos mapaluha si Devon ng makita ang asawa na katabi ang dalawang sanggol. Nginitian siya ni Kylie ng makita siya nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito at tinignan ang dalawang sanggol. Gising ang isa sa mga ito at tulog naman yung isa.

Hinalikan niya sa labi si Kylie.

"Thank you for giving me this two wonderful kids Kylie." naiiyak na sabi nito. Sobrang saya niya lalo na ng hawakan niya ang kamay ng gising nilang anak. Napakagalaw nito.

"Mukhang namana ni Prince lahat sayo devon. Mukhang kutis at kulay lang ng mata ko ang nakuha niya." sabi ni Kylie.

"P-prince?"

Ngumiti sa kanya si Kylie. Dumako naman sila sa isa pa nilang anak ng gumalaw ito at nagmulat ng mata. Mas naiyak ulit sa tuwa si Devon ng makita ang anak niyang babae. Tahimik lang ito at nakatingin sa kanya. Hindi rin ito magalaw di tulad ng anak nilang lalaki.

"She's Princess. Nakuha niya sayo ang kulay ng mata mo Devon." 

Hinaplos niya ang pisngi ng sanggol. Napangiti naman si Devon ng bumukas ang labi nito na para bang sinasabi na inaantok ito.

"She's beautiful just like you." sabi ni Devon.

"Devon, meet your son and daughter. Prince and Princess Mojico." 

"Hi Prince & Princess. I-im your d-dad. I love you." naluluhang sabi ni Devon. He is really happy. Lumuluha na din si Kylie dahil sa sobrang saya na nararamdaman.

"I love you so much, wife. Thank you." at hinalikan niya ulit sa labi si Kylie


                        The End!


The story of Kylie and Devon is now signing off.

Mojico Series 1: I Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon