Kim

18 4 0
                                    

Napahimalamos ako sa mukha ko dahil sa sobrang inis. Nakipag break lang naman kasi sa akin yung girlfriend ko. Hindi ako naiiyak eh. Nagagalit ako. Siya pa kasi ang may ganang magalit. Eh siya na nga tong nahuli kong may kahalikang ibang lalaki. Matagal ko narin alam na niloloko niya ako pero sinasakyan ko lang siya. Kahit na alam ko naman na talaga ang lahat.

Nagpalit ako ng damit at shorts saka kinuha yung susi ng motor ko. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa may sala. Nakita ko si mama na nag aayos ng lamesa sa kusina. Yung pintuan kasi na nag kokonekta sa kusina at sala ay bukas. Kumbaga, walang pintuan. Kaya tanaw na tanaw ko yung ginagawa niya.

Palabas na sana ako ng pintuan ng marinig ko ang boses ng kapatid kong babae.

"Kuya saan ka pupunta?" Bigla niyang tanong kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko ring sumilip si mama.

"Ah, mag SM lang ako saglit." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni mama at lumabas sa kusina habang nag pupunas ng kamay gamit ang apron na suot niya.

"Mamaya nalang ma. May gagawin lang ako saglit." Paalam ko. Nag sabi lang siya ng 'ingat ka!' kaya lumabas na ako.

Dumiretso ako sa motor kong nakaparada malapit sa alaga naming aso.

Narinig ko siyang kumahol ng itayo ko ng diretso yung motor. Madalas ay binabati ko siya ng 'Hi patty!' o kaya naman 'kamusta na ang patty namin' at hahawakan siya sa ulo saka hihimasin pero iba kasi ngayon eh. Wala ako sa mood.

Pinaandar ko na yung motor ko at lumabas na ng gate.

Ipinarada ko lang ng ayos yung motor ko at pumasok na.

Naiinis na nga ako sa nangyari ngayong araw na ito dahil sa girlfriend-- ex na pala. Gusto ko pa sana siyang ipahiya eh. Kaso naisip ko, ang sama ko ata kung gagawin ko iyon kaya okay na ako sa maging masaya nalang. Pero iba ngayon eh. Naiinis talaga ako. Nainis pa ako lalo dun sa lalaking guard na akala mo eh hinihipuan ko lang o nag pupunas ng marumi niyang kamay sa damit mo. Mga pakitang tao eh akala mo naman mah ginagawa talaga.

Nang makapasok na ako ng tulayan ay dumiretso ako sa may national bookstore. Nag hahanap kasi ako ng english book na magandang basahin. Pumunta ako sa harap ng isang counter. May nakita akong libro na ang ganda nung cover. Kinuha ko agad iyon at pumunta sa kabilang section. May nakita rin akong magandang cover. Kinuha ko din iyon. Bali dalawa na. Dumiretso na ako sa malapit na cashier. Walang pila kaya ako mismo nauna.

Basehan ko lagi sa story ay yung magandang cover at magandang description sa likod.

Inabot ko sa babaeng kahera yung libro. Nag bigay din ako ng P1,500 dahil halos lumagpas na sa 1K yung bili ko. At ang sukli'y ibibili ko nalang ng token pang laro sa tom's world. Namiss ko na rin kasing mag laro ng tekken.

"Sir baka gusto niyo pong mag bigay kahit barya lang. Para sa mga nasalanta ng bagyo." Tanong ng babae sa akin habang binabalot niya yung binili kong libro.

Kahit tamad na tamad ako kay ay ngumiti parin ako kay ate na parang humihingi ng paumanhin.

"Ayy wala na ate eh. Sakto lang po dala ko." Pag dahilan ko.

Inalis na niya yung tingin niya sa akin at itinuon yung tingin sa resibo na ilalagay niya sa paper bag ko.

"Pero pag dating sa libro may pera." Nag pintig yung tenga ko sa narinig ko. Bulong lang siya pero rinig na rinig ko talaga. Nakatingin kasi ako sa kanya non at alam kong hindi ako tanga para hindi marinig iyon.

"Ate!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Aba't wag mo ko subukan ate. Napatol ako sa babaeng nanghahamon.

L I K E D #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon