Kita kong napakamot sya ng batok. Haha. Hindi sya nagreklamo which means na malakas naman pala ako sa kanya kahit unang kilala lang namin ngayon.. Sa coffe shop ko sya dinala.

"Malungkot ka pala, di halata."

Nakatingin sya sa akin habang iniinom ang kanyang hot coffee. Yumuko naman ako para i-slice ang icecream cake na in-order ko. Medyo napangiti ako ng maalala kong favorite nga pala ni Fae ito. Ang bunso naming kapatid na nakakalimutang maldita sya pag nakaharap sa icecream cake.

"Hindi ko pwedeng ipakita na malungkot ako dahil hindi naman nakakatulong."

"Kaya sino-solo mo?"

"Sana. Pero mabigat na kaya hinatak kita dito para may makausap ako. Mukha ka namang mabait. Di mo rin naman ako kakilala kaya kahit ipagsabi mo, hindi naman siguro makakarating sa aking mga kakilala."

"Sige, pakikinggan kita. Maaga pa naman. Wala pa nyan mga kabarkada ko."

Uminom ako ng frappe tsaka huminga ng malalim bago nagsimula.

"Namomroblema ako kasi... sobrang ganda ko."

Kita kong nasamid si cuttie-cool-guy dahil saktong umiinom sya ng kape ng nagsalita ako.  Nakakabawas ng coolness pero ayos lang dahil gwapo parin naman sya. Haha. Sinadnya ko yon para medyo pagaanin ang paligid. Ang seryoso na kaya.  XD

"Seryoso?"

"Haha, hinde. Joke lang yun. Hmm, actually, problema din yun kasi dumarami lalo stalkers ko pero di yon ang dahilan kaya ako malungkot."

"Ok?"

"Haha. Sige, seryoso na... Nalulungkot ako kasi pakirandam ko, ako ang dahilan kaya naghiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Kasama ko na ang bunso namin pero iba parin kung buo gaya ng dati. Iniisip ko na kung pumayag lang ako noon sa gusto ni daddy, baka sama-sama pa kami. Matagal na yun pero sinisisi ko parin ang sarili ko kapag naaalala ko ang lahat. Hindi na kasi maibabalik ang dati kaya nakakalungkot talaga."  :'(

"Hindi ba pwedeng magbati kayo?"

"Uhmf, pano ba ito? Hmm, sinisisi kasi ni ate sarili nya pero ako din hetong may kasalanan. Eh wala naman akong lakas ng loob aminin. Isa pa, may pangako ako kay Jon, yung bestfriend ko ng highschool. Ayaw ko naman na maglipana ang mga lalaki ko sa bahay ni ate. Tama na sa gigplace ko nalang sila."

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Where stories live. Discover now