X : The things we do

Começar do início
                                    

"Ba't di ka sumali sa kanila?" Pag-uulit ni Harper sa tanong at tinabihan si Mira sa pagsandal sa railings.

"Ako? Sasali sa kanila? Pshhh!" Pagmamaang-maangan ni Mira sabay halakhak ng todo, "1st year highschool na tayo, dapat nga di na sila naglalaro ng ganyan sa school grounds lalo pa't ang dumi ng ginamit nilang bola, biruin mo yun mga medyas pa talaga?"

"Kita mo yung transferee? Yung bansot na may glasses?" Turo ni Harper dahilan para makunot ang noo ni Mira.

"Teka kilala mo sino ang transferee?" Tanong ni Mira.

"Loka, ang liit lang ng lungsod nato, sa sobrang liit nga pakiramdam ko nga memoryado ko na ang lahat ng mukha dito sa school kahit 1st year palang tayo kasi parang galing lang tayo sa iisang elementary school." Giit ni Harper kaya ngumiti na lamang si Mira at tumango-tango.

Napabuntong-hininga si Harper at ngumiti pabalik kay Mira, "Naging kaklase ko yan dito noong grade 2 ata? Nadaganan ng bearbrand mascot kaya lumipat sila sa malayo at nag-transfer din ng school dahil daw sa trauma. Ngayon lang bumalik. Alam mo ba, valedictorian yan sa pinanggalingan niyang elementary school pero kita mo naman? Parang siraulong takas sa mental kung makapambato ng medyas sa kanila. And so my point is, hindi naman rason ang edad o talino sa pagiging masaya. Ako nga kahit thirteen na ako, naglalaro parin ako ng Chinese garter."

"Hindi naman sa ganun." Pag-amin ni Mira at napabuntong-hininga na lamang dahil sa pagsuka.

"Eh ano naman pala sa ganun?" Pagbibiro ni Harper ngunit hindi ito tinawanan ni Mira.

"Baka kasi ayaw nilang makipaglaro sa akin... Siguro hindi mo ako kilala kaya hindi mo maiintin—"

"Mira short for Miranda, nakatira malapit sa sementeryo. Eh ano naman? Walang-wala yan kumpara sa pinaggagawa ng baliw na transferee." Natatawang sambit ni Harper sabay turo sa direksyon ni Churchill na parang isang demonyong humahalakhak habang isa-isang tinatanggal ang mga medyas mula sa pagkakapatong-patong upang isa-isang maihagis sa mga kalaro sa kabila ng pagsisigawan at gimbal na pagtatakbuhan ng mga ito.

Hindi makapagsalita si Mira sa gulat, hindi niya alam anong sasabihin lalo pa't hindi niya inakalang may nalalaman pala sa kanya ang isang estudyanteng gaya ni Harper.

"Do what makes you happy as long as it's the right thing to do. Una na ako! Byee!" Paalam ni Harper sabay kaway sa dalaga.




"It's the right thing to do but I'll never be happy about it..."


Sa kasalukuyan, hindi mapigilan ni Mira na maluha habang bumabaha ang alaala ng nakaraan sa kanyang isipan. Hindi rin niya mapigilang maalala ang mga sinabi ni Harper tungkol sa dapat niyang gawin upang protektahan ang kanyang mga kaibigan, hindi niya mapigilang maiyak lalo habang pinagmamasdan ang hawak na baril. Mag-isa lamang si Mira sa banyo kasama ang bangkay ni Dana, umiiyak habang pilit na kinukumbinsi ang kanyang sariling gawin ang hindi niya kaya.


Sa sobrang pagkabagabag, isinilid na lamang ni Mira ang baril sa loob ng kanyang jacket at umiiyak na gumapang patungo sa direksyon ng bangkay ni Dana.


"I don't know what to do anymore..." Bulong ni Mira sa bangkay ni Dana habang pilit na pinipigilan ang sariling humagulgol habang nakatitig rito.


"If I won't do it, I could lose you guys... If I do it, I could lose you guys too... and even myself." Dagdag pa ni Mira at sa kabila ng lamig, pilit niyang hinimas ang noo ni Dana, "But you've done enough sacrifices already, Dana you need to live again. You and Churchill will hate me for this, but Harper's right... At this point, this is our best option. Dana gising na, gumising ka na.... Sa pagkakataong 'to gagawin ko na ang tama kahit pa maiwan na naman akong mag-isa."

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora