"Anong meron sakin ha?" tanong ko. Tumawa naman ng mahina si Damon. "Hindi ka na kasi nadadala ng seduction ko. Nagsasawa ka na ba?"



Tumawa naman ako. "Hindi naman po. Ikaw naman kasi, hindi ka na tumigil dyan. Ikaw ba, hindi ka ba nagsasawa sakin?"



Inangat ni Damon ang mukha ko at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "No. Never. You will always be, and always will be, the one I'll always crave for."



I smiled at his words. "Ayan ka na naman. Pinapaibig mo na naman ako lalo." Sabi ko. "Anyway, ano bang gagawin natin today? Aside from the naughty things you're imagining."



"You don't want my naughty things huh. Let's watch movies instead." Suggest ni Damon. Tumango naman ako kaya bumangon na kaming dalawa. Bago pa kami lumabas, dumerecho muna ako sa closet at nagpalit ng pambahay na kupas na shorts tapos shirt ni Damon—lagi ko na 'tong ginagawa, ang suotin ang mga damit ni Damon. Ambango kasi. Hehe.



Paglabas ko ng closet, tumabi na ko kay Damon. hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumungo sa entertainment room sa baba. Meron doon na isang mahabang sofa na kasya ang 5 tao. Nakalagay na din doon ung TV set, pati DVD. Naupo na ako doon sa couch tapos hinintay si Damon maupo sa tabi ko. Bago pa maupo si Damon, dumerecho siya sa cabinet sa likod ng kwarto kung saan nakalagay ung mga snacks na pwedeng kainin habang nanunuod tapos may mini fridge din para sa refreshments. Pagbalik ni Damon, madami siyang dala na Kettle Corn tapos tubig.



"Ano ung movie na pinili mo?" tanong ko. Pinindot na kasi ni Damon ung play button sa remote.



"The Vow." Sagot niya. "Ooh, I haven't watched that. Good thing, yun pinili mo."



Nagsimula na ung pelikula... at nagsimula rin ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga pangyayari. Niyakap naman ako lalo ni Damon palapit sa kanya habang kumakain siya ng popcorn. Di na ako kumain kasi masyado akong nagfocus sa movie.



Mga nasa gitna ng movie, humahagulgol na ako. Inabutan na ako ni Damon ng isang box ng tissue dahil sobra na ung iyak ko! Nakakaloka. Kasi naman, nagka-amnesia ung babae tapos ung natatandaan lang niya, ung previous life niya bago niya makilala ung present husband niya. Nakakaiyak! Tapos di pa bumalik ung alaala niya, eh true story pa naman ito.



"Paano kung mangyari sa'tin 'yan?" out of the blue kong tanong kay Damon.



"That won't happen, Serena mine." Sagot ni Damon. "Eh paano nga? Wag mo hahayaang malimutan lang kita. Pilitin mong maalala kita at ang mga anak natin, kahit pagod ka na." ma-drama kong sabi. Hinalikan naman ako ni Damon sa balikat.



"If that happens to me, you just have to keep on reminding me how much you love me... araw-araw mong ipaalala sakin ang pagmamahal na meron tayo sa isa't isa." Seryosong sabi ni Damon. "Even if you feel like giving up, don't. Always remember that we vowed we'll be together forever and always."

Napaiyak na naman ako lalo, patapos na rin kasi ung movie. Pa-credits na nga e. "Pinaiyak mo naman din ako!" reklamo k okay Damon. Tumawa naman si Damon. "Tanong tanong ka kasi dyan, tapos magrereklamo ka. Pasaway ka talaga noh, Serena?"



I giggled with his question. "Thank God, alam mo na rin na pasaway ako. Hahahaha." Biro ko. Pumiglas naman si Damon sa pagkakayakap sakin at tumungo sa DVD player saka pinalitan ung movie tapos bumalik sakin.



"Ano naman ung pinalabas mo?" tanong ko. "Expendables 2."



Nanuod pa kami ng mga tatlo pang movies bago namin napansin ang oras. 8PM na pala, at kailangan ng umalis ni Damon. Pinatay na namin ung DVD player at ung TV saka lumabas ng room. Sinamahan ko si Damon hanggang labas ng bahay. Nakapark na kasi sa tapat ng gate ung kotse niya papunta kila Kuya Stephen.



"So, I'll see you on our wedding day?" tanong ko. Damon smiled at me and kissed me sweetly. "Of course. I'll see you too?" sabi ni Damon. I nodded and hugged him so tight.



"I am so excited and nervous." Bulong ko. "That's fine. Wag mo lang akong iiwan sa altar, ha?"



I giggled and nodded. "I love you." Mahina kong sabi. "I love you too." Sagot ni Damon. pumiglas na si Damon—kahit ayoko pa siyang pakawalan—saka sumakay sa kotse.



"I'll leave if you're already inside." Sabi ni Damon. Tumango naman ako at pumasok na sa loob. Ni-lock ko muna ung gate tapos dumerecho na ko sa may pinto. Tiningnan ko ulit si Damon at kumaway, tapos kumaway din siya sakin saka humarurot. I smiled with content and went inside. Hay, I feel so happy right now! Bachelorette Day tomorrow... and Wedding Day on the day after tomorrow.





**

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon