Kabanata 37: Destruction

Magsimula sa umpisa
                                    

He's talking to me through his thought!

"Althea, apo. Sumunod ka muna sa nais ni Titus. Buong akala niya ay kontrolado ka na niya. Ito lang ang tanging paraan, Althea. If the right time comes, finish him."

I looked intently at Lolo Carlos. Nasa likod ito ni Titus. Nakita kong tumango ito sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko. So, ito ang dahilan ng lahat? Ang dahilan kung bakit narito siya sa Eiwerds?

Dumako ang tingin ko kay Titus. Nakangiti pa rin ito sa akin at walang kaalam-alam sa nangyayari. Fool!

"Lord Titus, tapos na po lahat ng procedures," sambit nang isa mga naka-laboratory gown na lalaki.

"Great. Now, let's proceed to our next plan," wika ni Titus sabay tingin sa akin. "My princess, come on, follow me," anito sabay talikod sa akin. Nagkusang lumakad ang mga paa ko. Play along, Althea. Trust, Lolo Carlos.

Kahit hindi ko alam ang buong nangyayari, nagtiwala ako kay Lolo Carlos. Siya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. I know he won't do anything against his will, against me.

'I'm glad you're awake, Althea. You've been asleep as dead for two weeks.' Narinig kong sambit ni Lolo Carlos.

Halos matigilan ako sa paglalakad. Two weeks? Damn! Ganoon ba katagal ang proseso na ginawa nila sa akin? Hell! Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa lahat ng ginawa nila sa akin. Kinuyom ko ang mga palad ko. Napatingin ako doon at laking gulat ko nong makakita ako ng itim na parang usok na lumalabas doon. Black magic? Paanong nagkaroon ako nito?

'Iyan ang main purpose ni Titus saiyo, apo. To control you with his black magic. But he was wrong. He was fool to believe that he can control you that easy. You're not a Stone for nothing, Althea.'

Lolo Carlos knows a lot of Titus plan. Paano nangyari iyon?

'Althea, he will command you to use the Destruction. Don't let him completely control you, apo.'

Iyon ang huling narinig ko kay Lolo Carlos. Tumigil na kami sa paglalakad. Nasa harapan na kami ngayon ng isang malaking pinto. Dahan-dahan itong bumukas sa harapan namin. Bumungad sa akin ang isang malawak na silid. May isang upuan ito sa pinaka-gitna nito. Sa taas ng upuan ay may isang malaking crystal ito.

Para saan naman ang isang yan?

Napatingin ako kay Lolo Carlos. Seryoso itong nakatingin sa upuang nasa harapan namin.

Natigilan ako noong maalala ko ang sinabi niya kanina.

Destruction.

Titus wants me to do the Destruction.

The hell!

That was one of the cursed magic from the book of Creation. And I don't freaking have that cursed magic!

Napakuyom ako ng mahigpit ng kamay ko dahil sa mga nalaman ko. This plan is insane.

The Destruction.

I held my breathe. No freaking way! Tahimik kong inalala ang mga nabasa at natutunan ko galing sa aklat na Creation.

'If there's a Creation, of course, the Destruction also exist. Destruction is one of the most powerful cursed magic that existed. It can end someone's attributes, special abilities and even the magic that a user created. The Destruction can make any user powerless. Only choosen user have this kind of magic. It can be only used and activated if the user summon it heartedly. Destruction only follows its user. Only the user itself.'

Oh great, God! There's no hell way! I can't have that cursed magic.

"Althea."

Tawag sa akin ni Titus. I looked blankly at him. You monster! Ito ba ang plano mo? To end someone's attribute means to end their lives!

Nakangisi pa rin ito saakin. You'll gonna pay for this Titus. Big time.

"You. Are. A. Monster."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Titus. Kita ko ang gulat sa mukha nito. Ramdam ko din ang titig ni Lolo Carlos sa akin. Sorry, Lo. But I can't do this anymore. Hindi ako papayag sa kabaliwan ng lalaking ito.

Ang kaninang gulat na expression ni Titus ay naging seryoso ito.

"You're under my control now, Althea," sambit niya sa akin. Tila sinasabihan lang nito ang sarili na kontrolado nga niya ako.

"You're stupid to believe that," seryosong wika ko dito. Itinaas ko ang kanang kamay ko kung saan dumadaloy ang black magic na nanggagaling sa kanya. "You think your black magic can control me?"

Nag-iba agad ang pressure sa loob ng kwarto. It's because of him. Nag aalab na ito ngayon ng galit. So am I.

Tinignan ko si Lolo Carlos. Using my wind attribute, itinulak ko siya palabas ng silid sabay sarado ng malaking pintuan. Now, it's me and Titus again. Tatapusin ko na ang nasimulan naming laban.

This time, sisiguraduhin kong mananalo ako. This time, tatapusin ko na siya. Sisiguraduhin ko iyon!

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon