CHAPTER-1 TROUBLE, TROUBLE

Start from the beginning
                                        

Tumahimik ang lahat ng Pumasok na si Maam Perez sa room namin. Inirapan ko si Saturn at umupo na sa chair ko. Nagflip pa ko ng hair in a mataray ng version.

"good morning class" sabi ni maam Perez pagkapasok niya sa classroom.

"good morning maam" sagot namin sa kanya.

I Freaking Hate you Saturn Lee raise to the Million Level. Bumalik kana sa planeta mo, you don't belong here in Earth.

"okay class, Surprise Quiz" sabi ni maam at nilabas na nya ang pinakanakakatakot na bagay na nakita ko sa buong buhay ko. TEST PAPER.

Shock, Surprise Quiz nga ito. Dahil sa quiz ito at Surprise na Surprise ako. Ay mali dapat pala, Surprise na Surprise Quiz.

O__O hindi ako nagreview, pano nga naman ako magrereview, eh surprise nga. T_T Shunga lang.

Hindi pa naman ako mahilig makinig ng discussion. Self-study lang ang peg ko.

At eto na nga ang sandaling ibinigay sa amin ni maam ang isang papel. Papel na sisira sa kinabukasan ko.

After ilang minutes...

Anak ng butanding naman oh, wala akong masagutan.

Ang brain cells ko, san napunta? Meron ka ba dyan? Pahingi muna ako.

Para akong pumiga sa tuyong calamansi. Wala, as in wala, nada, nothing, zilch, zero a one big choco donut. Bakit choco, wala lang, favorite ko yun eh.

Paulit-ulit kong binasa ang papel ko.

Namememorya ko na yung tanong, pero hanggang ngayon di ko parin alam ang sagot.

Tinatawag ko po lahat ng Santo. Kung kinakailangan maglitanya ako dito gagawin ko po. T__T

Aha, may bright idea ako.

Plan A- maghimatay himatayan, yehey, ligtas na ako sa quiz nito.

(pano pag nalaman sa clinic na nagloloko lang ako, edi teggy na)

Plan B- maghukay at ibaon ang sarili

(wala akong pala, pano ako maghuhukay)

Plan C- mangopya sa katabi

(Nasabi ko ba sa inyong near sighted ako, kung hindi pa, sasabihin ko ngayon, near sighted po ako, at dahil sa nagmamadali ako kanina, nakalimutan kong magcontact lens, at ang salamin ko ay naiwan ko rin, ano pa bang naiwan ko? pati ata brain ko naiwan ko.)

Plan D- huhuhu, wala na akong maisip..

Plan E- Wagayway nalang ng white flag.

I surrender. Mag-aaral na po ako sa susunod (eto ang pambansang motto ng mga tamad mag-aral, kaya kung ganito ang motto mo, join the club, dahil kabilang ka dito, ako ang president, XD)

Poke

Poke

Leche, ano bang problema nito? Bahala ka sa buhay mo, di kita papansinin.

Poke

Poke

The person you you've been poking is out of coverage area. Don't poke again, or you're gonna die, literally.

Poke

Poke

This impakto is getting off my nerves...

Poke

Ewan ko sayo isa kang salot sa lipunan... ang dapat sa'yo pinaliliguan ng muriatic acid at iniihaw.

"ano? Ano bang problema mo? Can't you see we're taking an exam" sabi ko sa kanya. Mahina lang ang boses ko baka mapagalitan ako ni maam. Mahirap na.

Narinig ata ni Acel, tumingin sa akin eh.

"kung wala kang magawa, kausapin mo yang ballpen mo, don't you dare talk to me again"

May inabot sya sa aking papel.

Ay ang gaga, tinanggap.

"what's this?" nagtatakang tanong ko.

"kodigo" sagot niya.

"oh my gosh, i don't want this, i don't want this" grabe lang, oa na kung oa. Pero ayoko talaga ng kodigo.I admit, nangongopya ako but kodigo, that's a different story.

Ibinato ko sa kanya yung papel. At nagulat ako ng ibinato niya ulit sa akin.

"what the hell is wrong with you?" napatayo ako at sinigawan sya. Buti nalang nailagay ko na sa bulsa ang mahiwaga at makasalanang kodigo na nagliligtas saga kapus-palad na estudyante sa panahong kagaya nito, bow.

Uh oh, nagtinginan na sa amin ang lahat.

"what's going on there?" biglang nagsalita si maam. "is there a problem Mr. Lee, Ms. Lim?"

"kasi maam, ano kasi, ahm...ano" paputol putol na sabi ko kay maam.

Isip

Loading...

Wait

Buffering...

Refresh

Loading ulit...

Loading complete...

"kinurot po ako ni Saturn" nakakahiya pag nalaman nila na may kodigo ako noh, oh noes, my reputation.

"what?" sabi ni maam.

"hindi po maam, siya po ang nauna"- Saturn

"wag ka ngang sinungaling Saturn" - ako

"leche, ikaw ang sinungaling"- Saturn

"leche your face"- ako

"LANGUAGEEEEE"- maam

O__O- ako

O__O- Saturn

"you" tinuro ni maam si Saturn. Ha, buti nga sa'yo hahaha, in your face Saturn Lee, in your face.

"and you" tinuro din ako ni maam T__T huhuhu akala ko ligtas na ako.

"DETENTION!!!!"

"you two, get out NOWWWW"

O__O what's that supposed to mean?

ilang seconds pa bago maabsorb ng utak ko ang mga sinabi ni maam, get out daw.

it means, detention...

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now